Korean actors na kapareha ni Devon Seron mga sikat sa Korea!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 29, 2017 - 4:00pm

May bodyguard sa shooting

Sikat pala ang mga Korean actor na kasama ni Tonton Gutierrez sa You With Me na pinagbibidahan ni Devon Seron.

Sorry pero hindi ko lang matandaan ang pangalan ng mga Korean actor na nakatrabaho ni Tonton sa pelikula na kinunan sa South Korea. (Hyun Woo at Jin Ju-Hyung po ang pangalan ng dalawang K actor. - SVA)

Halos isang linggo na namalagi si Tonton sa South Korea dahil dito kinunan ang mga eksena nila ni Devon.

Ikinuwento sa akin ni Tonton na sikat ang Korean actor dahil may mga bodyguard ito sa set ng You With Me. Dinarayo kasi ng fans ang set para ma-sight nang personal ang Korean actor kaya protected ito ng mahigpit na security personnel.

Na-prove ko na totoo ang sinasabi ni Tonton nang makatanggap ako ng phone call mula sa isang kakilala ko na na­ngungulit na tulungan ko siya na makadalo sa premiere night ng You With Me.

Paboritong-paborito raw kasi ng anak niya ang Korean actor na co-star ni Tonton na bumisita sa Pilipinas para sa premiere night ng You With Me.

Koreanovelas nagbigay ng bagong sigla sa buhay

Ramdam na ramdam ko ang Korean invasion sa Quezon City dahil sa rami ng mga bagong Korean restaurant na nagbubukas along Tomas Morato Avenue.

Bago pa naganap ang Korean invasion sa Quezon City, nauna nang magbukas ang mga Korean convenience store at restaurants sa Maynila.

Sa true lang, malaki ang pasasalamat ko sa mga Korea­novela at Korean actors dahil nagkaroon ng bagong sigla ang buhay ko.

Excited ako sa tuwing inuumpisahan ko ang mga bagong Korean movies at Koreanovelas na na-discover ko.

Hindi ko namamalayan ang takbo ng oras dahil engrossed na engrossed ako sa panonood ng Korean movies at Korea­novelas. Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko dahil sa loob ng matagal at mahabang panahon, ang mga Pinoy teleserye at Tagalog movies ang sinusuportahan ko.

Baguhan photogenic lang, walang alam sa akting!

Disappointed ang fans sa aktor na baguhan na binigyan ng malaking break sa isang television show.

Hindi kasi marunong umarte ang aktor, kahit dumaan na siya sa mga acting workshop. Napansin din ng fans na photogenic lang ang aktor pero ibang-iba ang hitsura niya sa TV at sa personal.

Ang feeling ng fans, hindi malayo ang mararating sa showbiz ng baguhan na aktor dahil kulang siya sa X Factor na importante sa mga nag-aambisyon na maging bahagi ng entertainment industry.

Jessy type ng marami na maging misis ni Luis

Marami pala ang boto kay Jessy Mendiola para maging asawa ni Luis Manzano dahil bagay na bagay sila.

Masuwerte si Jessy kapag humantong sa altar ang relas­ yon nila ni Luis dahil very responsible ito na tao.

Marami ang nangangarap na magkaroon ng dyowa na kagaya ni Luis dahil sa mga katangian nito na minana niya sa kanyang mga magulang na sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Kasal nina Alfred at Yasmine  nasa magazine na

Out na sa mga bookstore at magazine stand ang October edition ng YES! Magazine.

Makikita sa YES! Magazine ang mga litrato ng church wedding nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu noong July 2017.

Mga never-before-seen picture ng kanilang kasal ang ibi­nigay nina Alfred at Yasmine sa YES! kaya buy na kayo ng mga kopya ninyo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with