Cesar at Boyet bumagay na escort
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - September 8, 2017 - 4:00pm

Huli man daw at magaling, salamat pa rin dahil nairaos ang PMPC 33rd Star Awards for Movie last Sept 3 na ginanap sa Resorts World Manila. Familiar ito sa pandinig dahil months ago isang tragedy ang nangyari sa nasabing lugar kung saan namatay si Mr. Elrey Reyes, asawa ng former actress na si Azenith Brionez.

Congratulations sa lahat ng winners at hindi pinalad dahil lahat kayo ay magagaling na artista.

Salamat din sa nag-produce nito na sina Mr. and Mrs. Howard (Tessie Celestino) ng Airtime Marketing, Inc. at kanyang production staff na kasama ng PMPC Star Awards for Mo­vies Television & Music sa maraming panahon. Bagama’t sa mga naunang panahon ay si Ms. June Torrejon-Rufino ang producer nito.

Thanks din sa lahat ng host, dancers, singers and performers.

Maging sa fans na walang sawa taun-taon to watch and support lalo pa’t pinarangalan ang dalawang aktres ng titulong Ginintuang Artista sa Pelikula na sina Superstar Nora Aunor at Star for All Seasons, Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Grabe ang die hard fans nila noon na nagsidatingan lahat. Anyway, what’s new naman ay ‘pag nagsama ang Vilmanians at Noranian dahil talaga namang karambola.

Maganda ‘yung idea ng producer na dalawang aktor ang escort nila at hinarana. Si Cesar Montano ang kay Nora at si Christopher de Leon naman ang kay Vilma.

Si Cesar, mata pa lamang at nangungusap na at si Christopher naman ay boses palang super acting na.

Ano kaya ang say ng isang actor na tumangging escort? Weee, mas magaling sa kanya ang pumalit.

Anyway, tapos na ang Star Awards.

Congratulations PMPC members sa pamumuno nina Fernan Guzman at Joe Barameda, pangalawang Pangulo. Mabuhay Tayo!

Maraming salamat…

Salamat nga pala kay Miss Resguiel Venancio, isa sa usherette na umalalay sa amin at naging instant member kami ng kanilang pakulo na tinatawag na Thrill Deals.

Ang members ay may privilege sa libreng games, drinks, snacks, discount sa mga bibilhin sa mga sikat na store ng mga anik-anik.

Pero ang pinaka-best na gusto ko ay ‘yung free rides kahit saan pa ang destination o uuwian, malayo man o malapit ay ihahatid ka.

Ang galing dahil menos gastos na, wala pang kahirap-hirap at nakaka-relax.

Job well done Miss Resquiel at sa lahat ng staff at in charge na driver, maraming salamat.

Happy Birthday Mama Mary!

Happy Birthday yesterday, Sept. 8 kay Mama Mary! Kapit Kamay sa iyo! We believe in You. We pray! Salamat po.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with