Vilma Santos

Ate Vi pinagbigyan ang PMPC kahit inatake ng ulcer
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 5, 2017 - 4:00pm

Dinepensahan si Congresswoman Vilma Santos-Recto ni Jojo Lim, President ng Vilma Santos International, kaugnay ng panlalait sa Star for All Seasons matapos dumalo sa katatapos na Star Awards for Movies last Sunday sa Resorts World Manila.

Nakatanggap kami ng text kay Jojo kahapon upang ipaalam na may dinaramdam na sakit si Ate Vi nu’ng gabing ‘yon. Kahit hirap sa nadarama, dumalo pa rin siya sa awards night. Nakakalungkot nga lang na nilait pa siya.

“Sinumpong si Ate Vi ng ulcers n’ya the day before star awards kaya hindi siya pinatulog kaya grabe eyebags nya. Pinilit niyang pumunta sa star awards kahit masama pa rin ang ulcers niya and walang tulog.

“In fact, pagalis niya sa resorts world ay sumuka si vilma sa sasakyan niya at lalong sumama ang pakiramdam niya. Dapat malaman lalo na ng pmpc members na kahit walang tulog at masama ang pakiramdam dahil sa ulcers ay pinagbigyan ang star awards. Tnx!”

Alex pinainit ang dugo ng press

Sa nasabing Star Awards, hindi nagustuhan ng officers and members ng PMPC ang off camera tanong ni Alex Gonzaga kung magkano raw ba nabili ang Darling of the Press award na tinanggap ng kaasaran niyang si Luis Manzano.

Uncalled for, ayon sa ilang nakausap naming members ang sinabi ni Alex. Susugurin na nga sana nila ang host-actress sa backstage pero mas minabuti ng ilan na umatras sa balak nila.

After ng awards night, humingi naman ng sorry si Alex sa kinauukulan. Hindi na rin pinalaki ng members ang isyu bilang respeto sa taong nakausap nila.

Julian at Ella ‘di binitin ang fans sa tikiman!

Hindi mabibigo ang mga taong manonood ng magandang pelikula sa FanGirl/FanBoy movie ng Viva Films na showing na ngayon. Tiyak ding magbubunyi ang fans nina Julian Trono at Ella Cruz dahil sa non-stop na lambingan at kulitan ng kanilang mga idolo.

Maayos ang pagkakadirek ni Barry Gonzales. Ibang-iba rin ang kanyang pag-handle sa mga kilig moment nina Julian at Ella dahil hindi ito pangkaraniwan at predictable.

In all fairness naman sa lead stars, pasadung-pasado ang akting nila sa panlasa ng manonood. In fact, pinalakpakan pa nila si Julian sa eksenang sumagot na kay Shy Carlos na lumabas na ka-loveteam sa series nilang gagawin, huh!

Magagaling din ang lahat ng supporting characters. Magaling ‘yung bading na PA sa network na friend ni Ella.

And most of all, hindi mabibitin ang fans sa eksenang kissing scene nina Julian at Ella, huh!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with