Vhong at Lovi

Vhong at Lovi humakot ng P60-M
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 31, 2017 - 4:00pm

Congrats kay Mother Lily Monteverde dahil certified blockbuster ang Woke Up Like This, ang comedy movie na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe. More than P60 million ang box office gross ng Woke Up Like This at extended ito sa mga sinehan kaya tuwang-tuwa si Mother Lily.

Dahil rejoicing si Mother at ang Regal Entertainment, Inc., nagpatawag s­iya kagabi ng victory party sa Greenhills bar na pag-aari nina Daniel Padilla, James Yap, Vice Ganda, at Marc Pingris.

Hindi nakasipot sa victory party si Lovi dahil lumipad din siya sa Paris para dumalo sa wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. Kahit imbitahan ako ni Mother sa victory party, hindi rin ako makaka-apir dahil pareho kami ni Lovi na rumarampa sa Paris.

I’m sure, idea ni Vhong na idaos ang victory party ng Woke Up Like This sa bar nina Vice Ganda dahil malaki ang naitulong nito sa promo ng pelikula nila ni Lovi.

Bukod sa special guesting ni Vice sa Woke Up Like This, super plug siya ng pelikula ni Vhong sa It’s Showtime.

Julian at Ella inaasahang hahatak

Hindi lamang ang Woke Up Like This ang extended ang showing sa mga sinehan.

Palabas pa rin sa ilang mga sinehan ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films kaya hoping sina Julian Trono at Ella Cruz na tatangkilikin din ng fans ang launching movie nila, ang Fangirl/Fanboy na may playdate sa September 6.

Hindi agree sina Julian at Ella na kailangan na may relasyon sa tunay na buhay ang mga loveteam para panoorin ng madlang-bayan ang pelikula nila.

Ibinigay nila na example ang tandem nina James Reid at Nadine Lustre. Hindi magdyowa sina James at Nadine nang magtambal sila sa Diary ng Panget. Nagkaroon lamang sila ng relasyon pagkatapos ng ilang pelikula at bago magbabu noon sa telebis­yon ang teleserye nila sa ABS-CBN, ang On The Wings of Love.

Vicki at Hayden madaling araw nang mag-pictorial sa Eiffel Tower

Maaga ang pictorial kahapon nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. sa Eiffel Tower as in tulog pa ang French people, fully made up na sila.

Bukas, September 2, ang church wedding nina Mama Vicki at Hayden kaya nakapagtataka na may mga nagsusulat na ikakasal ang dalawa sa September 4.

Kung hindi sigurado sa mga detalye, huwag nang magsulat para hindi ma-confuse ang readers. Hindi naman nagkukulang ng updates sina Mama Vicki at Hayden sa mga social media account nila ‘no!

Bongga ang wedding gown na ginamit ni Mama Vicki sa pictorial kahapon sa Eiffel Tower pero hindi ‘yon ang isusuot niya sa mismong araw ng kasal nila ni Hayden. Remember, apat ang wedding gown na ginawa ni Michael Cinco para kay Mama Vicki kaya may tatlo pa na hindi nakikita ng mga nag-aabang at nakikiusyoso sa wedding of the year.

Teejay Marquez todo deny sa isyung baklita

Maldito talaga ang mga reporter na tinaasan ng kilay ang denial ni Teejay Marquez tungkol sa walang katapusan na tsismis na baklita siya.

Hindi masisisi si Teejay dahil alangan naman na aminin niya na true lahat ang mga intriga na kapwa mhin ang kanyang nakakarelasyon. Hindi siya tanga para sirain ang sarili, lalo na’t kapipirma pa lamang niya ng kontrata sa Regal Entertainment Inc. noong Miyerkules.

Kahit ipagpilitan ng press at ng mga tunay na nakakilala kay Teejay ang kanilang paniniwala, wala silang magagawa kung ang may katawan ang ayaw umamin.

Sikat siya sa Indonesia ang claim to fame ni Teejay pero mas interesado ang showbiz press sa sexual preference niya. Hindi si Teejay ang una at huling aktor na matsitsismis na gay dahil sure na masusundan pa siya.   

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with