Kris Aquino

Nawawalang milyun-milyon kay Kris pinanghihinayangan!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 26, 2017 - 4:00pm

Parang mas maganda pa nga ang isang talk cum lifestyle show for Kris Aquino.

At ang nire-request na kasama sana niya, si Nay Lolit Solis.

Yup, may clamor sa social media na pagsamahin sila para sa okrayan portion ng programa.

Kaso nauna nang sinabi na Nay Lolit na ayaw na niyang mag-comeback sa TV at maligaya na siya sa pagsusulat ng column sa PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang-Masa) at pagi-Instagram na kinababaliwan niya (akosilolitsolis).

Nag-reconnect sina Kris at Nay Lolit sa kasal ni Alfred Vargas almost a month ago kaya nagkaroon ng idea ang kani-kanilang followers sa social media.

Game sana si Kris sa nasabing concept pero dahil nga ayaw ni Nay Lolit, binaling niya  sa panghihingi ng tulong kay Willie Revillame para makabalik sa TV.

Wait natin kung maaayos ni Mr. Revillame sa GMA 7 ang pagbabalik ni Kris o kapalaran niyang sa social media na lang muna ang career.

Pero teka, ilang milyon na kaya ang nawawala kay Kris kada araw simula nang mamahinga siya sa TV?

Oo nga at marami siyang pera pero siyempre nakakahinayang pa rin ‘yung hindi nadadagdagan ang kanyang kaban ng kayamanan.

Noong nasa ABS-CBN siya, balitang kung ilang milyon ang kita niya sa isang araw.

Eh matagal-tagal na rin naman siyang hindi napapanood sa TV. Bukod sa milyones na nawawala, siyempre nabawasan ang ningning ng career niya sa pagkawala sa TV kaya pinanghihinayangan ng lahat.

Jessy Mendiola at Luis Manzano

Luis at Jessy inuudyukan nang magpakasal

Pati sa kulay ng suot na damit nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, twinning na.

Kahapon sa Facebook account ni Luis ay may pinost siyang picture nila ng girlfriend na pareho ang kulay sa sweatshirt at skirt ni Jessy.

Wini-wish na ng marami na sila na nga ang magkatuluyan lalo na nga’t kita naman sa kanilang mga kilos ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nasa tamang edad na rin sila at alam ng lahat na masinop sa pera si Luis kaya puwedeng-puwede na silang mag-asawa at tiyak na sitting pretty kahit hindi na gaanong magpakaaligaga sa pagta-trabaho pag ikinasal na.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with