Bela Padilla at JC Santos

Nakapanood ng pelikula nina JC at Bela grabe ang reaction
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 15, 2017 - 4:00pm

Nagpapasalamat sina Bela Padilla at JC Santos dahil sa mainit na pagtanggap ng mo­viegoers sa naganap ng premiere ng 100 Tula Para Kay Stella, ang pelikula nila na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula ngayong araw.

Tuwang-tuwa ang dalawa dahil grabe ang reaksyon ng audience sa mga eksena ng pelikula na mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Maligayang-maligaya sina JC at Bela dahil sulit na sulit ang mga pagod nila. Kinunan sa Pampanga ang mga eksena ng 100 Tula Para Kay Stella at alam ng lahat na hindi madali ang magbiyahe sa NLEX dahil sa trapik.

Hindi nagkaroon ng conflict sa taping ng mga teleserye nina Bela at JC ang shoo­ting ng 100 Tula Para kay Stella.

Christian Bables umaming nagpasilip ng puwet

Idinenay ni Christian Bables na nagpakita siya ng bird sa Bagtik, ang upcoming movie ni Chito Roño.

Ang sey ni Christian, puwet lang ang ipinakita niya sa pelikula at may plaster ang kanyang tweety bird.

Pumayag si Christian na magpa-sight ng puwet dahil kailangan daw sa eksena.

Natawa ang mga reporter sa pralala ni Christian na ipinakita nito ang puwet dahil nakipag-do siya sa aktres na gumanap bilang girlfriend niya.

Laugh nang laugh ang entertainment writers dahil lumang-luma na sa pandinig nila ang salitang ‘do’!

Sosyal si Christian dahil dalawa ang Chito Roño project niya, ang Bagtik at ang Ghost Bride na kinunan pa sa Nepal. Taon talaga ni Christian ang 2017 at epekto ito ng kanyang bonggang performance sa Die Beautiful na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2016.

IdeaFirst may mga bagong alaga

Kasama sina Cedrick Juan at Adriana So, humarap kahapon si Christian sa entertainment press dahil ipinakilala sila bilang mga bagong talent ng The IdeaFirst Company, ang movie outfit nina Papa Jun Lana at Perci Intalan.

Ang The IdeaFirst Company ang nagbigay kay Christian sa Die Beautiful at sa I Love You To Death ng Regal Entertainment, Inc.

Tumatanaw si Christian ng malaking utang na loob kina Papa Perci at Papa Jun dahil sa big break na ibinigay sa kanya kaya pumirma siya ng kontrata sa The IdeaFirst Company.

Pare-pareho ng katwiran sina Christian, Cedrick, at Adriana na tumatanaw din ng utang na loob sa mga bossing ng The Idea­First Company.

Ang sey ni Adriana, komportableng-komportable siya kina Papa Perci at Papa Jun na nakatrabaho niya noong talent pa siya ng TV5 at Malak So pa ang kanyang screen name kaya hindi siya nag-second thought na pumirma sa The IdeaFirst Company.

Direk Jun nagiging kamukha na ang ampon nila ni Direk Perci

Maganda ang kuwento ni Papa Jun tungkol sa adopted son nila ni Papa Perci.

Papasa na kuwento ng isang heavy drama movie ang pag-aampon ng mag-dyowa pero hindi ko puwedeng ikuwento dahil masyadong maselan ang plot.

Basta ang bottomline, two years old na ang cute na bagets na nagiging kamukha na ni Papa Jun na aminado  na hindi pala madali ang maging magulang.Ang bagets ang inspirasyon nina  Papa Perci at Papa Jun sa kanilang mga pagsisikap bilang mga produ ng The Idea­First.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with