Bela Padilla

Bela laging naaalala ang ginawa nina Piolo at Toni!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 12, 2017 - 4:00pm

Si Bela Padilla pala ang sumulat ng script ng pelikulang ginagawa ngayon nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga under Star Cinema. Kuwento ng aktres, noong gawin daw niya ang material ay wala pang final cast at natapos na raw niya nang malaman kung sino ang mga bida.

“Kinilig ako nang bongga, saka medyo hindi ako nakatulog ng ilang araw,” pahayag ni Bela.

Proud na proud siya na ang first full script niya ay sina Piolo and Toni ang bibida.

“First full talaga na script na from start to finish, ako ang sumulat, tapos binigay kay Piolo and Toni, so parang sobrang big deal ‘yun for me,” sey pa niya.

As the writer ay lagi raw siyang nandu’n sa shooting ng mo­vie at sobrang fan na fan daw siya ni Toni kaya hindi niya raw ito makausap ‘pag pumupunta siya sa set.

“Lagi akong tumatabi sa gilid. Si Piolo, niloloko na ‘ko, ‘Sige na, kausapin mo na’. Dati pa akong fan (ni Toni), napanood ko lahat ng movies niya, ‘yung sila ni Vhong (Navarro), sila nila Sam (Milby), lahat ‘yun napanood ko, so for me, parang puwede siyang peg, si Toni, for I guess a movie career.

“Saka parang if you’re a young actress, you can only hope for what she achieved sa movies niya. Kasi lahat ng movies niya, ‘di ba nag-hit?

“So, fan talaga niya ako, nasubaybayan ko lahat,” kwento pa ni Bela.

Alam na alam pa ni Bela ang mga eksenang ginawa ni Toni sa mga pelikula nito kaya pag nasa set daw siya ay hindi niya ito makausap dahil naaalala niya pa ‘yung mga eksenang ‘yun.

“Napanood ko ‘to dati, tumalon siya sa mall, naka-harness pa siya nu’n,” ang pumapasok daw sa isip niya ‘pag nakikita niya si Toni.

“Faney talaga ako,” natatawa niyang sambit.

Pero kung tatanungin si Bela kung ano ang gusto niya between acting and writing, siyempre, acting pa rin daw.

“Gusto ko po ‘to (acting), first love ko ‘to, eh, ito talaga ‘yung passion ko – acting talaga. Siguro naghahanap na lang din ako ng… hindi naman fallback, pero ‘yun nga, kung anuman ang mangyari, at least, may alam pa akong gustong gawin,” she said.

Ayon pa sa bida ng 100 Tula Para kay Stella na official entry to Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magbubukas sa Aug. 16, mahal daw niya ang industriyang ito kaya naman gusto niyang magtagal dito.

Echo natakot madawit kay Direk Paul Soriano?!

Nakausap namin si Atty. Joji Alonzo of Quantum Fims at aniya, wala naman daw siyang sama ng loob kay Jericho Rosales kung nag-back-out man ito sa Almost is not Enough na dapat sana’y reunion movie ng aktor at ni Jennylyn Mercado after #WalangForever noong 2015.

Ayon sa producer, naiintindihan naman daw niya si Echo dahil wala naman itong choice kung hindi sumunod sa kagustuhan ng producer.

May natanguan daw kasing ibang pelikula si Echo na isasama sa Sundance Film Festival. Hindi daw akalain ng aktor na magsasabay ang shooting nito at ng Almost is not Enough dahil nagkaroon din ng delay sa shooting ng mga nasabing movies.

Aminado naman si Atty Joji na nanghihinayang siya for Echo dahil talagang binuo ang script para sa aktor at maging ang aktor din naman daw ay nanghihinayang and very apologetic. In fact, sinulatan pa raw siya nito ng napakahabang sulat.

Pero happy rin naman si Atty. Joji na si Derek Ramsay na ang gagawa ng film dahil tulad din ni Echo ay malakas din ang chemistry ng JenDer loveteam. Besides, bagay na bagay din daw kay Derek ang role.

Gusto lang linawin ni Atty. Joji na hindi dahil sa Siargao movie kaya hindi na magagawa ni Echo ang Almost is not Enough. Nadadamay pa raw kasi ang direktor na si direk Paul Soriano gayung hindi naman daw dapat.

Ang Siargao ay another indie movie na ginawa ni Echo at ayon kay Atty. Joji, tapos na raw ang shooting ng said film kaya wala itong conflict  sa Almost is not Enough.

Ang Almost… ay isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 2017.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.