Birthday ni Empoy inisnab-isnab noon, ngayon pinag-aagawan
Vir Gonzales (Pang-masa) - August 9, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Masayang-masaya ang mga barkada ng bagong sensational star na si Empoy Marquez. Napatunayan kasi nilang hindi lumaki ang ulo at yumabang ang kanilang kaibigan.

Nagtungo si Empoy sa Calderon, Baliuag at binisita sina Subic Konsehal Mon Maglonzo, Harvey Timbang, Glen Del Rosario at iba pa. Mahilig din daw mag-blowout sa mga kaibigan si Empoy.

May nag-comment nga, minana daw ng komedyante ang trono ng yumaong si Bert Tawa Marcelo na taga-Baliuag, Bulacan din.

Anyway, may kwento raw na bago pa ipalabas ang Kita Kita ay nag-imbita si Empoy ng mga kaibigang sikat na taga-ABS-CBN. Wala raw dumating maliban kay Dennis Padilla.

Well, ngayong sikat na ang komedyante, tiyak na dadalo na sa susunod niyang birthday ang mga taong nang-indyan sa kanya.

Marami na ang nag-aabang sa follow up movie nina Empoy at Alessandra de Rossi.

Jhong paborito sa AP

Marami ang nag-react na televiewers ng FPJ’s Ang Probinsyano sa mga nakaraang episode ng naturang serye. Ayon sa kanila, OA na raw as in over acting ang binabalak ni Jhong Hilario na gahasain ang bihag nilang si Louise delos Reyes. Tanong nila, sa giyera ba ay maiisipan pang mang-rape gayung nasa bundok sila at marumi ang paligid?

May mga nagsasabi namang baka gusto lang palitawin sa mga eksena si Jhong. Halatang paborito ang aktor dahil litaw na litaw ang kanyang papel. 

Mga Pinoy sa canada naaliw sa maraming artista

Big hit sa mga kababayan natin sa Toronto, Canada nang magpunta doon ang Kapamilya stars para sa ASAP. Ayun na raw ang pinakamalaking produksyon ng mga Pinoy na nagko-concert doon.

Halatang maraming kababayan natin ang sabik sa artistang Pilipino.

Malaki naman ang kontribusyon nina Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano na walang kupas sa pag-awit. Congrats Kapamilya!

Maine idinenay ng lalaki

Sana raw ay hindi kay Sef Cadayona pa nangga­ling ang pagtatapat na wala silang relasyon ni Maine Mendoza dahil magkaibigan lang sila. Dapat daw ay si Maine ang nagsabi ng pahayag dahil babae siya na parang itinatwa ng komedyante.

Ganito rin ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto na panay ang deny pero natuklasang sila pa rin.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with