Indie Film napinagbibidahan ng sikat, nilalangaw sa takilya
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 7, 2017 - 4:00pm

Nakakalungkot din, dahil noong Linggo ay nadaanan namin ang isang sinehan na nag­lalabas ng isang indie film ng isang sikat na artista, at maliwanag sa screen monitor na iilang tao lamang ang nanonood sa sinehan, kahit na mura ang admission at may pangalan naman ang bida. Sabi nga nila, talaga bang ayaw ng mga tao kung ang pelikula ay indie, o nangangahulugan din iyon na wala na ngang popularidad sa ngayon ang artistang bida nila?

Fans ni Ate Vi mayayaman na

Ang saya-saya ng gathering noong Linggo ng gabi ng Vilmanians. Nag-celebrate sila ng thirty years ng kanilang unified organization, ang VSSI. Ang pinakamatandang fan ni Cong. Vilma Santos na present ay 76 years old na, pero pumipila pa rin daw siya sa sinehan at nagpupunta kung may shooting si Ate Vi. Iyong pinakabata namang member nila ay 16 years old. Kaya makikita mo na nagawang makuha ni Ate Vi bilang fans ang ilang henerasyon. Hindi kagaya ng iba na pagtanda nila, iyong matatandang fans na lang ang natitira.

Dalawa sa masisigasig na fans ni Ate Vi ang siya namang naging sponsor ng kanilang anniversary. Sina si Ronnie Gan ay may trabaho sa Oman, isa siyang English professor at take note, may doctorate degree iyan. Ang isa naman na si Joey Cruz ay isang ship master sa barkong bumibiyahe sa international waters. Karamihan kasi sa fans ni Ate Vi ay professionals, kagaya rin ng presidente nilang si Jojo Lim. Bukod sa pagiging fans, sila rin ang nagko-coordinate para matulungan ang iba pang fans ni Ate Vi na matatanda na o may sakit na, dahil inumpisahan na nga ng Congresswoman ang isang hiwalay na foundation para naman sa kanyang lehitimong fans. Pero ang ending hindi lang active members nila ang beneficiary, tinutulu­ngan din nila ang iba kagaya nga noong may down syndrome na fan ni Ate Vi.

Mas lalong naging masaya nang tumawag sa telephone si Ate Vi na hindi nakarating dahil sa iba niyang appointments, at nakipagkuwentuhan pa. Ikinabit naman nila sa sound system ang telephone para marinig ng lahat si Ate Vi. Halata mo namang masayang-masaya rin si Ate Vi, at sinasabi nga niyang kung hindi nauna na iyong kanilang family appointment ay nakapunta sana siya sa dinner na iyon.

Sinagot din ni Ate Vi ang ilang katanu­ngan ng ilang press people na present din sa okasyong iyon. Nakakatuwa rin naman dahil bukod sa sinasabi ni Ate Vi na malaki ang nagagawa sa kanya ng entertainment press, maski ang fans niya ay nagsasabing binibili nila talaga ang lahat ng mga babasahin kung saan nagsusulat ang mga movie writer na paborito rin nila. Iyong mga nasa abroad, at maging si Joey Cruz na nasa barko, updated din dahil nababasa niya ang updates sa online.

Kris hindi nakapalag kay Maine 

Si Maine Mendoza ang sinabi ng BIR na biggest individual taxpayer sa buong rehiyon nitong nakaraang taon. Ibig sabihin, sa laki siguro ng talent fee niya ngayon, at sa rami ng mga commercial endorsement na kanyang ginawa, na-overtake na niya iyong mga nagmamalaking sila ang biggest taxpayer in the past.

Iyan ay maliwanag na maganda rin ang kanyang career at sikat siya. Hindi naman magbabayad ng ganoon kalaki si Maine kung hindi ganoon kalaki ang kanyang kinikita. Hindi naman siya kikita nang ganoon kalaki kung hindi siya sikat. May ibang mga artistang nagsasabi nga siguro na mas sikat sila, pero maliwanag diyan na mas malaki ang taxes ni Maine. Mas malaki ang kita niya, at ano pa nga ba ang magandang katunayan ng kasikatan?

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with