Sarah Geronimo

Sarah nakahataw pa rin kahit naaksidente!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 24, 2017 - 4:00pm

Gabi na nang may magsabi sa amin sa nangyaring aksidente habang si Sarah Geronimo ay nagsasayaw sa ASAP. Mabuti naman at may nag-upload ng video ng pangyayaring iyon kaya napanood namin.

Habang nagpe-perform si Sarah, siguro nagkamali siya ng tapak dahil naka-high heels siya, kaya bumagsak siya ng patihaya sa floor. Tiyak na masakit iyon, pero performance iyon eh. Ang nangyari, pinaligiran siya ng mga dancer para matulungan, pero mabilis na tumayo si Sarah at itinuloy ang kanyang performance. Hindi maikakailang nasaktan din siya, pero ang naisip niya ay ituloy pa rin ang performance dahil bahagi iyon ng show. Ayaw niyang masira ang show dahil sa nangyaring iyon.

Pagkatapos noon halos bumaha sa social media ang pagpuri kay Sarah. Aba talaga namang hahangaan mo ang ganoong performer, pero hindi dapat pabayaang ganoon na lang. Naniniwala kami na kailangan magpatingin din sa doctor si Sarah, baka wala lang siyang nararamdaman pero may problema ring iniwan ang aksidenteng iyon sa kanya.

Naalala namin ang kaso ng isang director noong araw. Naumpog lang siya sa jeep. Hindi niya pinansin iyon. Lumipas ang ilang taon, at saka nalaman na ang nangyari palang iyon ay malala. Nagkaroon ng maliit na crack ang kanyang bungo, at iyon ang kanyang ikinamatay.

Kailangan din sigurong isipin natin ang mas ma­tinding pag-iingat. Totoo nga sigurong magandang tingnan iyang nagsasayaw nang naka-high heels, at iyan din ang nakikita nating ginagawa ng foreign performers. Palagay namin mas mahalaga naman ang kaligtasan ng ating mga artista, kahit na hindi sila nagrereklamo masaktan man sila sa ginagawa nila.

Kris Aquino

Kulang sa pansin? Kris nag-swimming habang naka-gown

Lumublob sa swimming pool si Kris Aquino, suot ang isang mamahaling gown na ginamit niya sa kasal nina Cong. Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine. Inilabas niya iyon sa social media, eh di napag-usapan nga naman siya.

Kaya lang, kailangan ba talagang lumublob sa isang pool na may suot na gown?

Ate Vi wala nang insomnia

“Maaga na akong nagigising ngayon,” ang may himig ng pagmamalaki pang sabi ni Congresswo­man Vilma Santos. Kasi nga papunta siya sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara. Sabi niya, nasanay na siyang gumising nang maaga noon pa man, dahil sa flag ceremony sa Batangas na kailangan maaga talaga.

Noong araw, iyan ang sinasabi nilang problema kay Ate Vi. Hindi ka maaaring mag-schedule ng shooting ng umaga, tulog pa siya noon.

Ang kuwento ni Ate Vi, mukhang nalampasan na raw ang mga mabibigat na desisyong kailangang gawin nila sa kamara. May mga pinag-aaralan pa rin siyang ilang mahalagang panukalang batas na ihaharap niya, pero siguro nga raw mas magiging maluwag na ang kanyang schedule.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with