Waging Best Supporting Actor sa Urian Christian Bables walong taon bago nagka-career!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 21, 2017 - 4:00pm

Kinomedya ni Paolo Ballesteros ang speech niya nang tanggapin ang Best Actor trophy niya mula sa Gawad Urian nu’ng Huwebes ng gabi. Taliwas naman ito kay Christian Bables na wagi bilang Best Supporting na Bes niya sa napagwagiang movie, ang Die Beautiful.

Napaiyak si Christian sa videos na aming nakita at lutang sa kaligayahan sa Instagram niya inilabas ang todo-pasasalamat niya. Inihayag niya ang kanyang natutunan sa loob ng walong taong paghihintay sa kanyang break sa pag-arte.

“Walang sinuman ang tutupad ng mga pangarap mo, kundi ikaw lang din mismo. In my case ‘yung BURNING PASSION na nasa heart ko, alam ko MAY PURPOSE YUN.  Hinanap ko. I asked God. Then ginawa ko for His purpose and for my happiness. Hindi para sa ibang tao, kundi para sa sarili ko muna. Hindi ako nagpadikta. Para sa ikasasaya ng puso ko muna. Inspiring other people will follow. As long as you have that love and trust with what you do, DO IT. SOMETIME,SOMEWHERE, and in God’s will and perfect timing, meron at merong mag ye-YES sa mga KAYA MONG GAWIN. Laban lang,” bahagi ng post ni Christian.

After Die Beautiful, bidang-bida na si Christian sa Joey Reyes movie na Recipe For Love for Regal Films.

Congrats, Paolo and Christian!

Sikat na aktor kung sinu-sino ang pinapasok sa show

Nakaiskor na naman ng role sa bagong project ng sikat na kaibigan niyang aktor ang less-sikat na aktor.

Palibhasa naging ka-batch ng less sikat na aktor ang sikat na aktor, hindi makatanggi ang huli kapag nagpapatulong ang una. Eh, pamilyado na rin ang less sikat na aktor at hindi naman kasi pambida ang hitsura niya kaya supporting roles lang ang puwedeng ibigay sa kanya.

Marami nga ang naiinis kung minsan sa sikat na aktor dahil sa pagpasok niya ng mga kaibigan kapag may bago siyang programa. Wala naman silang magawa dahil rater naman series na ginagawa ng sikat na aktor kaya tiklop na lang sila sa mga reklamo, huh!

Boobs ni Heart ayaw tantanan

Binanatan man ng ilang bashers si Heart Evangelista nang mag-display ng cleavage sa isang suot na damit sa South Korea, hindi na lang niya pinansin ang mga ito dahil enjoy na enjoy siya sa bawat lugar na puntahan sa SK.

Unti-unti na ngang nai-inlove si Heart sa bansa dahil ibang klaseng pananamit naman ang nadidispley niya.

Para sa taping ng GMA series niyang My Korean Jagiya ang rason ng punta ng Kapuso Sweetheart sa lugar ng K-dramas. Ilan sa tourists spots na napasyalan niya ay sa Namsam Park, Nami Island, Myeongdong at ang original sets ng Jewel in the Palace at My Love from the Star.

Inaabangan na lang ngayon kung sino ang Korean actor na makakapareha ni Heart sa MKJ.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with