_pang-masa
^
Arci nabingwit ang ex ni Erich na pamangkin ng bilyonaryo

Erich at Arci

Arci nabingwit ang ex ni Erich na pamangkin ng bilyonaryo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 18, 2017 - 4:00pm

Kinumpirma sa pep.ph ni Arci Muñoz na ang ex nga ni Erich Gonzales ang kanyang nakaka-date ngayon.

Sabi nito, sobrang bait daw nito at parang wala na siyang mahahanap na ganung klase ng lalaki.

Tutal naman daw halos isang taon na siyang s­ingle.

Una siyang na-link kay Daniel Matsunaga pero wala pala siyang interes sa Brapanese actor. Ibang ex pala ni Erich na sinasabing pamangkin ng bil­yonaryong si Mr. Henry Sy, si Anthony Ng ang natipuhan ng sexy star.

Obviously, mahilig sa artista ang sinasabing negos­yante na hindi naman visible sa showbiz though naiispatan na siyang kasa-kasama si Arci at Erich noon.

Richard at Raymond pareho na ang katawan

Nag-post si Richard Gutierrez ng photo nila together ng kambal niyang si Raymond na ngayon ay super fit na. Tapos na talaga ang panahong pareho silang chubby.

Si Richard ay regular na napapanood sa La Luna Sangre at may sisimulan siyang movie with Angel Locsin and Angelica Panganiban.

Habang si Raymond ay kabi-kabila ang project na connected sa kanyang healthy lifestyle na naging rason nga para maging idol siya ng mga gustong magpapayat.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with