^

Pang Movies

3 kanta ni Jona, kasama sa BillboardPH top 20

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang isa kungdi tatlong awitin ni Jona ang pumasok sa unang Billboard Philippines Top 20 Charts, ang Pusong Ligaw, Maghihintay Ako, at You.

Ayon sa Kapamilya singer, “ang wish ko lang sana makasama ang isa sa mga songs ko. Sobrang thankful ako na tatlong songs ko ang nakapasok sa Top 20. Thankful ako sa mga taong patuloy pa rin na nakikinig sa mga kanta ko.”

Ang kanyang rendition ng Pusong Ligaw ang pinaka-wagi sa BillboardPH Charts dahil nakamit nito ang no.3 ranking. Ito ay kasalukuyang theme song ng ABS-CBN te­leserye na may parehong titulo.

Nasa no. 6 naman ang awitin ng Birit Queen member na Maghihintay Ako. Ito ay una niyang inawit para sa Himig Handog P-pop Love Songs noong 2016.

Ang kanyang kantang You, na bahagi ng My Ex and Whys movie soundtrack ay hindi rin nagpahuli at nakamit nito ang no. 9 ranking.

Lahat ng awiting ito ay bahagi ng self-titled album ni Jona na inilunsad noong Pebrero, ang kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.

Ang BillboardPH Top 20 ay kinikilala ang mga paboritong awiting lokal base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms. Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at Youtube. Kasama din dito ang download sales data mula sa Apple iTunes. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with