The Eddys handa sa haters at bashers!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 10, 2017 - 4:00pm

Bakbakan sina Vilma Santos, Nora Aunor,  Jaclyn Jose, Hasmine Killip, Rhian Ramos, Charo Santos at AiAi delas Alas para  sa Best Actress trophy sa unang The Eddys: The Entertainment Editors’ Awards mula sa SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors).

Sa press launch ng bagong award-giving body, inihayag ni Isah Red, Presidente ng SPEED, ang mga movie personalities at movie na binigyan nila ng nomination.

Nominated si Ate Vi para sa movie niyang Everything About Her. Ang performance  sa Ma’ Rosa ang pambato ni Jaclyn habang Pamilya Ordinaryo naman sa baguhang si Hasmine Killip.

Ang pelikulang Tuos ang panlaban ni Ate Guy habang si Rhian naman ay ang Saving Sally.  Si AiAi ay sa Area nakakuha ng nominasyon habang si Charo naman ay para sa comeback film niyang Ang Babaeng Humayo.

Nominees sa Best Actor sina Daniel Padilla (Barcelona : A Love Untold), Paolo Ballesteros (Die Beautiful), Enzo Marcos (Saving Sally), Dingdong Dantes (The Unmarried Wife) at Ronwaldo Martin (Ang Pamilya Ordinaryo).

Nominees for Best Picture ang Pamilya Ordinaryo (Eduardo Roy, Jr.), Ang Babaeng Humayo (Lav Diaz), Saving Sally (Avid Liongoren), Everything About Her (Joyce Bernal) at Die Beautiful (Jun Lana) at Best Director.

Sa Best Supporting Actor naman, nominees sina Joel Torre (Die Beautiful), Christian Bables (Die Beautiful), John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo), Xian Lim (Everything Ab out Her) at Moira Lang (Pamilya Ordinaryo).

Maglalaban naman sa Best Supporting Actress sina Barbie Forteza (Tuos), Aiko Melendez (Barcelona), Maria Isabel Lopez (Pamilya Ordinaryo), Angel Locsin (Everything About Her) at Gladys Reyes (Die Beautiful).

Bukod sa acting at technical awards, may tatlong special awards ang ibibigay ng SPEED sa July 9 ceremonies na gagawin sa Kia Theater. Isa na rito si Mother Lily Monteverde bilang Ina ng Pelikulang Pilipino.

Siyempre, handa na ang SPEED sa mga hater, basher at troll sa pagbibigay nila ng awards.  Dahil nasa loob sila ng movie industry, higit silang may karapatan magbigay ng award kumpara sa ibang biglang nagsulputan na lang, huh!

Ang host ng The Eddys ay ang mag-amang Edu at Luis Manzano.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with