^

Pang Movies

Azenith nakakapagkwento na sa nangyari sa mister

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Azenith nakakapagkwento na sa nangyari sa mister

Azenith Briones

Tanggap na ni Azenith Briones ang malagim at biglang pagpanaw ng kanyang asawa na si Eleuterio Reyes kaya nakakapagkuwento na siya tungkol sa mga pangyayari noong Huwebes ng gabi at Bi­yernes ng madaling-araw.

Detalyado ang kuwento ni Azenith kaya hindi na kailangan ng mga reporter na magtanong. Malinaw na malinaw sa isip ng dating aktres ang buong pangyayari, pati na ang pagtulong sa kanya ng kitchen staff ng restaurant na pinuntahan niya.

Dahil sa presence of mind ni Azenith at ng kitchen staff, nakaligtas sila sa suffocation na ikinamatay ng karamihan sa mga nakulong sa casino ng Resorts World Manila.

PNP dapat papurihan kesa pangunahan

Dapat papurihan ang Philippine National Police dahil mabilis na nalutas ang kaso at nakilala agad ang suspect na si Jessie Carlos ng Felix Huertas St., Sta. Cruz, Manila.

Ang PNP ang nanindigan na hindi terror attack ang nangyari, kahit ipinagpipilitan ng mga magagaling na may kinalaman ang ISIS sa panununog at pamamaril sa Resorts World Manila.

Napatunayan ng PNP na tama sila dahil natukoy na ang identity ng gunman at nagsalita na rin ang mga magulang nito na paulit-ulit ang paghingi ng patawad sa kasalanan na ginawa ng kanilang anak.

Hindi makatarungan na sisihin ang mga magulang ni Carlos dahil hindi nila alam na ganoon na hahantong sa trahedya ang pagkaaburido ng kanilang anak.

Kahit marami ang namatay dahil sa suffocation, sinabi ng ina ni Carlos na napakabait ng kanyang anak na ang tanging kasalanan eh nalulong sa masamang bisyo na naging dahilan para maghiwalay sila ng asawa niya at mawalan siya ng trabaho.

Ang casino ang sinisisi ni Carlos sa mga nangyari sa kanyang buhay kaya sinunog niya ang mga slot machine at kinuha ang mga casino chip.

Walang-wala sa intensyon ni Carlos na manakit ng kapwa dahil hindi siya namaril ng mga tao na sinawimpalad na mamatay dahil sa suffocation sa makapal na usok.

Kung hindi siguro nag-panic ang mga tao na natakot nang makita ang baby armalite na hawak ni Carlos at kung walang sumigaw ng “ISIS”, baka naiwasan na mangyari ang malagim na trahedya na kumitil ng mara­ming buhay.

Kitang-kita naman sa CCTV footage na inilabas ng Resorts World Manila management at napanood sa TV ang pagpa-panic ng lady guard nang makita nito ang armas na hawak ni Carlos nang pumasok ito sa casino. Ang pagtakbo ng lady guard ang nag-umpisa ng kaguluhan dahil nagkanya-kanya na ng karipas ng takbo ang mga tao na naunahan din ng takot.

At dahil nalutas na ang kaso, harinawang tumigil na ang pang-iintriga ng mga Pinoy na hindi matanggap na nagawa ng lone gunman na sunugin ang casino at maghasik ng lagim sa isang establishment na maraming tao at supposedly, mahigpit ang seguridad.

Kesa mag-nega at maghanap ng pagkakamali, magdasal na lang kayo para magkaroon ng kapayapaan sa paligid ‘no!

Huwag n’yo nang kuwestyunin ang resulta ng imbestigasyon ng PNP dahil nakikiusyoso lang naman tayong lahat. Pasalamatan natin ang PNP for a job well done at sana, huwag nang maulit ang nangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with