Pangarap ni Juday kay Ate Vi plantsado na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 2, 2017 - 4:00pm

Matutuloy na ang pagsasama sa pelikula nina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Judy Ann Santos.

Matagal nang dream ni Juday na makasama si Mama Vi sa isang movie project pero hindi niya alam kung kailan.

Nagulat si Juday nang sabihin sa kanya na matutupad na ang pa­­ngarap niya dahil mis­mong si Mama Vi ang nagkuwento tungkol sa pelikula na gagawin nila.

Ang Star Cine­ma ang producer ng Vilma-Juday project na pinag-iisipan pa ang pamagat. Excited na ang fans dahil mapapanood nila sa isang pelikula ang dalawang Santos na parehong mga award-winning actress.

Trahedya sa RWM planado raw talaga

Nakapanglulumo talaga ang trahedya na nangyari kahapon sa Resorts World Manila.

Marami ang nagbuwis ng buhay dahil sa suffocation na kagagawan ng hindi pa nakikilala na gunman na nagbaril at sinunog ang sarili sa isang kuwarto ng hotel.

Base sa mga kuwento na narinig ko at sa pahayag ng police authorities, planado ang pag-atake na ginawa ng gunman.

Sarado kahapon at hanggang ngayon ang Resorts World dahil sa malagim na pangyayari. As of presstime, napaliligiran pa rin ng mga awtoridad ang Resorts World dahil tinitiyak nila na ligtas na ligtas na ang naturang establishment.

Mitoy nakaligtas sa kapahamakan

Ang singer na si Mitoy Yonting ang isa sa mga hinanap kahapon ng mga miyembro ng media dahil may regular show siya sa Resorts World.

Nagkuwento naman si Mitoy tungkol sa mga karanasan niya at ng kanyang mga band member.

Sinabi ni Mitoy na lumabas sila sa exit nang marinig nila ang sunud-sunod na putok ng baril. Naiwan na nila sa stage ang kanilang mga musical instrument, pati ang sasakyan niya sa parking lot ng Resorts World Manila.

Maging mapagmatyag ang payo ni Mitoy sa lahat dahil sa karanasan niya kahapon.

Nakakalungkot naman ang nangyari sa aktres na si Azenith Briones dahil kabilang sa mga biktima ang kanyang asawa na si Eleuterio Reyes.

Namatay si Reyes dahil sa suffocation. Nang main­terbyu si Azenith, hindi pa niya alam na pumanaw na ang kanyang asawa dahil bumibili siya ng pagkain nang mangyari ang insidente.

Dahil sa makapal na usok, pumasok si Azenith sa kitchen at tumalon sila ng kitchen staff mula sa second floor.

 Sinabi ni Azenith na may makapagsabi sana sa kanya sa kinaroroonan ng asawa niya. Nakumpirma na kabilang si Reyes sa mga pumanaw dahil sa suffocation nang ilabas kahapon ng Resorts World Manila management ang listahan ng pangalan ng mga namatay.

Pamunuan ng Resorts World Manila mabilis umaksyon

Bumilib ako sa management ng Resorts World Manila dahil sa mabilis na aksyon at pag-aasikaso nila sa mga biktima.

Hindi rin sila nagkulang sa paglalabas ng mga statement na malaking tulong dahil sari-sari ang mga unverified story na kumakalat.

“Testimonies of responding members of Resorts World Manila’s security team confirm that they were able to shoot and wound the gunman that attacked Resorts World Manila in the early hours of June 02, 2017. Severe blood loss from the gunshot wound significantly slowed the assailant down and resulted to his holing up in a room where he took his own life.

“We would like to extend our gratitude to our security team, particularly Mr. Bernard Cajigas, who also sustained a gunshot wound, and Mr. Petronio Kinol, Jr. We also commend the Philippine National Police and the Bureau of Fire Protection for their courage and efforts to contain the incident.

“Finally, we would like to take this opportunity to refute claims circulating online that there were two assailants involved in the incident. We reiterate that there was only one gunman involved in this senseless attack.

“On behalf of the victims’ families and loved ones, we request everyone to refrain from spreading hurtful speculation and false information.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with