Darna apektado sa boycott ng DDS?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 26, 2017 - 4:00pm

If true na final choice na ng Star Cinema si Liza Soberano para gumanap na Darna, the next na dapat pagtuunan ng pansin ay ang child actor naman na gaganap bilang Ding.

The role Ding is almost as important as that of Darna, dahil gumaganap itong sidekick ng super heroine. Supposedly, siya ang may ‘hawak’ ng ‘mahiwagang’ bato, na ‘susi’ sa pagiging Darna ng mortal na si Narda.

Halos lagi rin nakasakay sa likod ni Darna si Ding habang ‘lumilipad’ ito.

Ang susunod na tanong ay kung si Erik Matti pa rin ang magdi-direk ng Darna.

How true na balak daw, ha, Salve A., na i-boycott ng followers ni Presidente Digong Duterte ang kahit anumang project, mapa-pelikula man o TV, na pamamahalaan ni direk Erik? 

Open si direk Erik sa kanyang opinion na ‘di dapat nag-declare ng Martial Law si President Digong sa Min­danao, kahit pa malala na ang kaguluhang nagaganap doon sa kasalukuyan. Ang nasabing opinion ng direktor, ay hindi pabor sa mga supporter ng pangulo.

Angel naunahan si Ate Vi sa pangarap

Pangarap pala, Salve A., ni Lipa Representative, otherwise known too bilang the Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ang gumanap na isang babaeng Muslim sa pelikula man o television.

Well, her supposed ex-mamanugangin na si Angel Locsin ay naunahan na siya dahil gaganap itong Muslim mom in this Saturday’s episode ng high rating drama anthology, Maalaala Mo Kaya (MMK).

Si Angel, as we all know, ay ex-girlfriend ng panganay ni Ate Vi na si Luis Manzano, now reportedly in love na in love kay Jessy Mendiola.

Ate Vi and Angel worked together in Star Cinema’s Everything About Her, which Bb. Joyce Bernal directed.

Bong at Jinggoy alam kung gaano ka-close si Phillip sa pangulo

Sayang at ‘di namin naitanong nina Chit Ramos at Francis Simeon kay former Senator Bong Revilla, nang dalawin namin ito sa Custodial Center ng PNP kung saan ay halos three years na silang naka-detain ng kanyang best friend and fellow former Senator na si Jinggoy Estrada, kung alam niyang nagpaiwan si Phillip Salvador kasama sina Robin Padilla at Cesar Montano sa Russia.

Sina Robin, Phillip at Cesar kasi ay kasama sa entourage ni President Digong with several others, na kinabibilangan ng officials ng kanyang gobyerno, kilalang businessman and others, nang bumisita ito sa Russia.

But as we all know, as well, kinailangan madaling bumalik ng Pilipinas ng pangulo dahil sa kaguluhang nangyayari nga sa Mindanao and his decision to declare Martial Law.

Parehong close friend nina former Senators Bong and Jinggoy si Phillip. And aware sila how close Phillip is to the President and his family.

Bong no comment sa hiwalayan nina Jolo at Jodi

Meanwhile, ayaw mag-comment ni Senator Bong Revilla tungkol sa diumano’y hiwalayang na­ma­­­magitan sa kanyang anak na si Cavite Vice Go­ver­nor Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria. Dalangin na lang daw niya at ng asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado na the best, as individuals, ang mangyari pareho kina Jolo and Jodi. Saksi raw kasi sila kung gaano minahal ng dalawa ang isa’t isa.

Pero minsan nga raw, kahit sa mga tao na akala ng lahat ay ideal ang relasyon, maaari pa rin mangyari ang hindi inaasahang.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with