Liza pinakabatang Darna?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 23, 2017 - 4:00pm

Si Liza Soberano na nga ba ang finally napili ng Star Cinema na gumanap ng much-coveted role na Darna, originally earmarked for Angel Locsin, who would have played it sana the second time around?

But as we all know, Angel was advised by her doctor to refrain muna from playing rigorous role, dahil sa nararamdaman niyang sakit somewhere sa kanyang likuran.

In any case, if ever si Liza na nga ang gaganap na Darna, she will be the youngest Darna na maituturing. All of the stars na gumanap sa nabanggit na role were already in their 20’s. And they include the first Darna, Rosa del Rosario. At mula sa now defunct Premiere Productions, ang contract star na si Eva Montes. Other actresses na natatandaan naming gumanap pa rin bilang Darna ay sina Rio Locsin at now Lipa Congresswoman, Vilma Santos-Recto.

Ayon kay Sharon Cuneta, naging Darna rin siya sa isa niyang pelikula. But it was only a short role.

Ang aktres na huling gumanap na Darna was Marian Rivera.

Of Liza, she is only 19. She will turn 20 in January next year.

Jodi nalilito kina Xian at Joseph

Feeling lucky si Jodi Sta. Maria na pawang magaganda, bukod sa challenging ang roles na ginagampanan niya sa kasalukuyan. Halimbawa rito sa kanyang currently showing movie, Dear Other Self, she plays a professional na hilig sana na mag-travel all by herself but is aware, too, of her responsibility sa kanyang pamilya na umaasa sa kanya.

Naging more complicated, kumbaga, ang kanyang buhay, nang makaengkwentro niya ang dalawang lalaking kapwa nagpakita sa kanya ng interes, pero magkaiba ang ugali at paniniwala sa buhay.

Si Joseph Marco, as Chris is dependable, as he already wants, as early as possible na paghandaan ang kanyang future, especially kung magkakakapamilya na siya.

On the other hand, Xian Lim, as Henry ay ‘yung tipong, who lives, wika nga, for the day. Ayaw niya ng responbility. Yet, he is the happy type.

Sino sa kanilang dalawa ang kanyang pipiliin? Sabi ni Jodi, siya mismo ay mahihirapang mag-decide, kung halimbawang makaengkuwentro siya tulad ng dalawa, sa tunay na buhay.

Filmed partly in Thailand, Dear Other Self is directed by Veronica Velasco.

Anytime soon, magsisimula nang mag-taping si Jodi ng kanyang bagong series with Richard Yap and Robin Padilla.

First time niyang makakatrabaho si Robin sa isang project.

Kylie gagayahin ang pagpapadede ni Mariel

Speaking of Robin, two months from now ay magiging certified lolo na siya courtesy of her daughter, Kylie Padilla, and of course his son-in-law to be (legally, that is), Aljur Abrenica.

Lalaki ang ipinagbubuntis ni Kylie.

One thing sure rin, ayon kay Kylie, she will breastfeed her son tulad ng madrasta niyang si Mariel Rodriguez, who till now ay bini-breastfeed pa rin ang kanilang first born nila ni Robin na seven-month old na, si Isabella.

Jhong pasok kay Coco!

Congratulations sa dating dancer-turned TV host at ngayon ay konsehal pa ng first district ng Makati na si Jhong Hilario, who has been added sa bagong line-up ng stars ng Book Two ng FPJ’s Ang Pro­binsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Excited si Jhong, since first time niyang umarte sa harap ng TV cameras. Sanay lang daw siyang sumayaw at mag-host.

Jhong is seen daily as co-host nina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle, and Billy Crawford, among others, ng popular noontime show, It’s Showtime.

Among Jhong’s fellow bagong ‘pasok’ sa cast ng FPJ’s Ang Pro­binsyano ay ang mag-amang former Senator Lito Lapid at former Pampanga Governor Mark Lapid, Pokwang, Angel Aquino and Ejay Falcon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with