Arci may ibang karelasyon, hindi raw si Daniel!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 13, 2017 - 4:00pm

Hindi kami kakagat doon sa mga tsismis na diumano mukhang maganda ang pagtitinginan sa ngayon nina Daniel Matsunaga at Arci Munoz. Hindi namin papatulan ang usapang iyan kahit na nga nakipag-break na si Daniel Matsunaga sa da­ting girlfriend na si Erich Gonzales. Kahit na sabihin pang nakipag-split na rin si Arci sa dating boyfriend na si Badi del Rosario.

Sa narinig naming tsismis, hindi si Daniel ang pinakamasugid na manliligaw ngayon ni Arci. Baka hindi nga lang nila inaamin kasi nakalagay pala sa kontrata niya na dapat wala siyang syota.

Nora at Sharon, iniwan na sa pansitan ni Vilma

Nag-usap usap kami ng ilang mga observer at kritiko ng pelikula noong isang gabi. Sabi nila, mukhang sa mga artista nating kinilalang superstars, si Vilma Santos lang ang matibay at hanggang ngayon ay nananatiling mataas ang career.

Aminin na natin ang katotohanan, mukhang wala na ngang patutunguhan ang career ni Nora Aunor na nalilinya na lamang ngayon sa mga pe­likulang indie, na karamihan naman ay hindi kumikita. May mga pelikula pa nga si Nora na ni hindi nagkakaroon ng commercial exhibition sa mga sinehan.

Si Sharon Cuneta naman, sa ngayon ay laylay na laylay ang career at hindi mo na rin alam kung ano pa ang mangyayari. Umasa siyang baka makabawi kung natuloy ang reunion project nila ng dating asawang si Gabby Concepcion, pero ang aktor naman ang medyo umiwas sa project for some personal reasons. Kaya si Sharon, mukhang babagsak na nga rin sa paggawa ng indie, at sa patuloy na pagdya-judge na lang sa mga singing contest sa telebisyon. Maging iyong mga concert namang ginawa niya, hindi na rin kagaya noong dati.

Ito namang Vilma Santos, concentrated sa kanyang pagiging isang public official. Paminsan-minsan na lang gumawa ng pelikula, pero ang mga pelikula ay kumikita pa rin. Nakapila pa rin ang mga script ng pelikulang iniaalok ng mga producer sa kanya at lahat ay umaasa na kung maiisipan niyang gumawa ng pelikula, sana ang project nila ang mapili. Bukod kasi sa kinikilala ngang isang mahusay na aktres si Ate Vi, kumikita ang kanyang mga ginagawang pelikula.

Kaya nga sinasabi nila, hindi naman niya kailangang gumawa ng pelikula para mabuhay. Ayos na ang buhay ni Ate Vi. Marunong humawak ng pera eh. Kung gagawa man siya ng pelikula, dahil lamang sa gusto niya at para mapagbigyan ang kanyang fans na siya rin namang sumusuporta sa kanyang political career. Dapat nga raw maging maingat naman si Ate Vi sa mga gagawin niyang projects.

Hindi siya dapat patangay doon sa mga iniaalok sa kanyang mga pelikula, “for old times’ sake”. Mahirap din namang sumugal na gumawa ka ng pelikulang kasama ang mga artistang bubuhatin mo dahil tagilid na ang mga career. Hindi talaga masama ang tumulong sa mga kasamahan mo, pero kailangang pag-isipan din naman niya ang katayuan niya sa pelikula na matagal niyang pinaghirapan.   

Male star kayod kalabaw para makabayad ng utang

Kaya naman pala ganoon ang male star na talagang humahataw kahit na saan, lubog na lubog pala nsiya sa utang dahil sa sinimulang negosyo na hindi naman kumita at dahil sa katotohanang buong pamilya niya ay umaasa sa kanya. Lahat inutangan niya pati girlfriends niya. Ngayon lahat ng kinikita niya ay napupunta lang sa bayad sa kanyang mga utang, kaya pala kailangan niya ang kanyang “benefactor” na nagsusustento sa kanya. Contact daw iyon ng manager niya.

                                                            

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with