Kristoffer at Joyce kinakikiligan kahit hiwalay na
Joe Barrameda (Pang-masa) - May 8, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sobrang loyal ng mga fans nina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa kanila dahil kahit hindi sila madalas magkasama sa proyekto ay parati silang sumusuporta sa loveteam.

Kaya may reward ang fans ng KrisJoy, dahil tampok ang dalawa sa GMA Network Playlist. Ibinida ng dalawang Kapuso stars ang galing nila sa pagkanta, at siyempre ang walang kupas nilang chemistry. Pinuri rin ng netizens ang solo performances nina Kristoffer at Joyce.

Walang papantay sa pagiging #ExGoals ng dalawa dahil matapos ang mahabang panahon ay nananatili silang supportive sa isa’t isa, on-screen man o off-screen! Sa opisyal na YouTube account ng GMA Network mapapanood ang Playlist feature nilang dalawa.

Barbie at Jaclyn ginawaran sa Gawad Pasado

Iba talaga ang tatak Kapuso dahil ginawaran ng?ampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO)?ina Barbie Forteza at Jaclyn Jose bilang mga natatanging personalidad na patuloy na nagpapaigting sa industriya ng pelikula.

Inuwi ni Barbie ang award na Pinakapasadong Katuwang na Aktres?ara sa performance niya sa Tuos, at nakamit naman ni Jaclyn Jose ang?atatanging Gawad Pasado 2016?ara sa pelikulang Ma’Rosa. Dumalo sina Barbie at Jaclyn sa awards night nito na ginanap sa De La Salle University kamakailan.

Patuloy na pinapatunayan ng mga Kapuso stars ang kanilang galing, kaya congratulations, Barbie and Jaclyn! We are proud of you!

                               

KRISTOFFER MARTIN AT JOYCE CHING
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with