^

Pang Movies

Habang nganga ang career Ellen hubad-hubad muna ang trip

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Eksenadora ang gown na ipinasuot kay Ellen Adarna ng kaibigang si Beauty Gonzales sa kasal niya. Halos hanggang waistline ang slit ng damit habang see through naman ang bahagi ng beywang niya.

Pero sa isang picture, kita ang balakang ni Ellen habang nakaupo, huh! Wala na yata siyang suot na panty, huh!

Wala pa kasing pinagkakaabalahang trabaho kaya hubad-hubad muna si Ellen ‘pag may time!

AiAi tuhog ang award sa Malaysia!

Puno ng schedules sa trabaho si AiAi delas Alas kaya hindi siya nakadalo sa ASEAN International Film Festival and Awards sa Malaysia kung saan nagwagi siya bilang Best Actress sa movie niyang Area. Bale second international Best Actress na ito ng Comedy Queen para sa nasa?ing indie film.

Nagpu-promote kasi si Ai ng family comedy niyang Our Mighty Yaya. Eh kahapon, may Sunday PinaSaya pa siya at pagkatapos, mall tour naman ang ginawa niya.

“Saka okay na rin. Suwerte ako ‘pag ‘di ako uma-attend. Nananalo ako! Ha! Ha! Ha!” rason ni AiAi. Noong una niyang attend sa international film festival sa Kazakstan eh talunan siya, huh!

Ang sipag-sipag ngang mag-promote ng Comedy Queen ng Regal movie niya. Lalo ngayong umabot na sa 2M views ang full trailer ng Joey Reyes film, lubus-lubos ang kanyang pasasalamat. Nagpaabot din ng pasasalamat si Ai nang batiin siya on line ng ABS-CBN.

Congratulations to the reigning Comedy Queen!

Gender ng baby ni Pauleen inaabangan na

Nagbahagi na si Pauleen Luna ng umbok ng kanyang tiyan matapos ihayag ng asawang si Vic Sotto na buntis na siya. Ikinagulat din niya ang announcement na ‘yon ng asawa sa Eat Bulaga last Saturday.

Caption ni Poleng sa Instagram niya, “Baby on board.”

Bumaha ang pagbati sa magiging nanay. Almost 350k views ang video ng announcement sa EB ni Bossing Vic.

Isa sa nangunang bumati ang kaibigan niyang si Pia Wurtzbach na sinundan nina Camille Prats, Kris Bernal at iba pa.

Swak na swak din sa Mother’s Day ang announcement ni Vic. Ang gender naman ng baby ang susunod na abangan sa pagbubuntis ni Poleng!

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with