Lito Lapid naudlot sa Probinsyano
Vir Gonzales (Pang-masa) - May 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Marami ang nasorpresa noong mapanood nila sa FPJ’s Ang Probinsyano ang dating Sampaguita actor na si Lito Legaspi.

Una kasing nabalita na si dating senador Lito Lapid ang papasok sa show ni Coco. Paliwanag naman ng staff ng show, papasok din si Sen. Lito. Nauna lang daw ang role na gina­gampanan ni Lito Legaspi.

Magaling na actor si Sen. Lito kaya may karapatan siyang mapasali sa serye na binubusising mabuti nina Coco at Direk Toto Natividad.

Nakakaaliw panoorin ang Probinsyano dahil magugulat ka na lang sa mga dating sikat na artistang matagal na hindi napapanood.

Humahanga kami kay Coco na bukod tanging nakaisip na pagsama-samahin ang mga paboritong artista sa kanyang show.

May nagtatanong, sa Panday project kaya ni Coco ay mapagsama-sama rin niya ang mga dating movie idols?

Anyway, saludo kami sa ideas ni Coco!

Gina Lopez mas may balls kesa sa kalalakihan

Mabuti pa si Gina Lopez, may ‘balls’ kesa sa iba niyang kasamahang lalaki na nakikipaglaban para itigil ang pagkasira sa mga bundok at kalikasan.

Nagngingitngit ang taong bayan sa hindi pagkakatalaga kay Sec. Gina para maging environment secretary ng DENR.

‘Yung mga hindi bomoto sa kanya ay sinasabi ng marami  na alipin ng kadiliman na hindi iniisip ang kapakanan ng mga mamamayang biktima ng mining companies.

Well, sana ‘yung ipapalit sa kanya ay kaparis niyang nagmamahal sa kalikakasan at higit sa lahat kumpleto ang balls!

Mister ni Toni may sariling resort sa Palawan

Panay daw ang pagpasyal ngayon ng mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano kasama ang kanilang anak na si Baby Seve dahil malapit na uling sumalang si Toni sa isang project kung saan si Piolo Pascual ang kanyang leading man.

Ibinalik ang tambalan nina Piolo at Toni dahil hindi yata nagpakita ng liwanag sa takilya ang tambalan nina Piolo at Yen Santos.

Nagtungo sa isang resort sa Palawan ang mag-asawa na pag-aari ni Direk Paul.

Tutungo rin sila sa Siargao kasama ng kanilang baby.

Kahit nasa kanya na ang lahat Sharon kulang pa rin ang pakiramdam

Damang-dama ng mga Sharonians ang pinagdaraanan ngayon ni Megastar Sharon Cuneta.

May mga pangarap siyang hindi natupad dahil pinasukan ng negatibong bagay.

Kung tutuusin, taglay na niyang lahat ang bagay na importante sa buhay subalit pakiramdam ng mga Sharonians ay meron pa rin kulang .

Nababasa nila ito sa mga mata ni Ate Shawie. Teka, ano nga kaya ‘yon?

 

LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with