^

Pang Movies

Break up ni Vina sa dyowa expected na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May ilang pinag-uusapan ang pakikipag-break ni Vina Morales sa kanyang foreigner boyfriend recently. Kung kami naman ang tatanungin, hindi na iyon isang issue. Natural lang naman iyon. Nagkakilala sila, nagkamabutihan, at naniwalang maaari silang magkaroon ng isang habambuhay na relasyon. Nagkataong hindi naman pala, eh di dapat lang na nag-break sila.

At least walang nadamay na iba. Hindi naman sila nagsama talaga. Hindi naman sila nagkaroon ng anak. Ibang usapan na iyon kung ganoon na ang sitwasyon. Pero iyong mag-boyfriend pa lang tapos ay nag-split, mukhang natural na lang naman.

Marami na rin namang pinagdaanan sa kanyang lovelife si Vina. Hindi naman maikakaila na nagkamali na rin siya in the past, kaya kung sa panahong ito ay mas naging sigurista siya ay hindi mo na siya masisisi.

Sa totoo lang naman kasi, hindi sapat ang isa o dalawang taon para ganap mong makilala ang isang tao. Minsan nagkakamali ka rin sa pagkilatis sa isang kaibigan kahit na sabihin mong naging close na kayo. May mga bagay na lumalabas matapos lamang ang mahabang panahon ng pagkakakilala.

Ang kailangan lamang ay huwag masyadong maaapektuhan sa isang break up. Kahit kasi sabihin nila na iyon ay isang mutual decision, natural lang naman sa isang tao ang masasaktan din sa pagtatapos ng isang relasyon.

Kris mangilan-ngilan na lang ang fans?!

Kahit na maglitanya pa sila kung ano ang mga dahilan at ayaw nang umulit ng producer ng show ni Kris Aquino, o sabihing bakit hind i-produce ni Kris ang kanyang sariling show ganoong kaya naman niya, hindi iyon ang talagang dapat isipin.

Ang tanong, gaano ba kasi karami ang nanonood ng show ni Kris? Natural sasabihin ng mga dilawan na marami pa rin naman sila. Pero isang katotohanan na noong magbalik si Kris sa ABS-CBN, at hindi na ibinigay sa kanya ang dati niyang time slot, maliwanag na ang dahilan ay mas malaki ang audience share ng show na ipinalit sa kanya. Kaya noon inalok na lang siya ng weekly show.

Iyon ding pagsasa-tengang kawali ng GMA 7, noong matunog ang balitang lumipat na siya sa network kahit hindi pa naman pala, ibig sabihin noon duda rin sila kung magiging asset nga siya sa network nila.

Iyon namang independent producer na gumastos ng milyon sa kanyang show, tapos ay nalugi at ang nakuha pang feedback ay inilampaso naman sila sa ratings ni Vice Ganda, na obviously hindi ganoon kalaki ang production cost ng show, aba eh uulit ka pa ba naman? Kaya ang dapat na tanong diyan ay marami pa ba talaga ang manonood sa show ni Kris?

Baklang Radio and tv host nagwalwal sa bar!

Usap-usapan ang isang gay radio and television host. Dumating daw iyon sa isang gay watering hole at hinahanap ang kanyang “friend”. Nagkataong noon naman ay may “ibang guest” ang kanyang friend at kilala niya ang “ibang guest”. Nagwala raw sa mismong watering hole ang gay radio-TV host.

 

 

vuukle comment

VINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with