Sa wakas, Pauleen buntis na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 7, 2017 - 12:00am

Noong April 28 ang 63rd birthday ni Vic Sotto pero nagbakasyon sila ng pamilya niya sa Balesin Island kaya kahapon lamang siya nag-celebrate ng kaarawan sa Eat Bulaga.

Ang pagbubuntis ng kanyang misis na si Pauleen Luna ang special announcement kahapon ni Bossing.

Confirmed na buntis si Pauleen sa panganay nila ni Bossing kaya nagpapasalamat sila sa Diyos.

Ang pagdadalang-tao ni Pauleen ang pinakamaganda na birthday gift na natanggap ni Bossing sa 63rd birthday nito.

Ang ipinagbubuntis ni Pauleen ang magiging panglima na anak ni Bossing na may dalawang anak kay Dina Bonnevie, isang anak kay Coney Reyes at isa rin sa former model/actress na si Angela Luz.

Priority ni Pauleen ang pagbubuntis kaya asahan natin na posibleng magkaroon ng limitasyon ang pag-apir niya sa Eat Bulaga.

Baklang aktor, may karibal na aktor din sa karelasyon

May tsismis na may problema sa relasyon ng bading na aktor at ng kanyang boyfriend na baklita rin.

In love na in love ang dalawa sa isa’t isa pero wondering ang close friends nila dahil may mga dialogue na ang bading na aktor laban sa dyowa niya.

Ang duda ng close friends, nagkakalabuan na ang gay actor at ang dyowa niya na nali-link sa another gay actor.

Walang puwedeng ilihim sa showbiz lalo pa’t maligalig at hindi discreet ang gay actor. Kapag tinanong tungkol sa lovelife niya, sumasagot nang diretso ang gay actor na hindi naniniwala sa mga off the record na drama.

Dabarkads nina Susan, Manay Ichu… nasa Osaka

Bakasyon grande sa Osaka, Japan ang Dabarkads nina Manang Inday (Susan Roces), Manay Ichu Maceda, Lilibeth Nakpil, Senator Grace Poe, Dolor Guevarra, Malou Fagar, Veana Fores, Pat Daza, Lawrence Tan, June Rufino, kasama ang Eat Bulaga producer na si Papa Tony Tuviera at ang misis nito na si Mama Madeleine.

Taon-taon, bumibiyahe sa ibang bansa ang Dabarkads dahil isa ‘yon sa mga bonding moment nila.

Naiimbitahan ako sa trip abroad ng Dabarkads pero hindi ako nakaka-join dahil palaging may conflict sa busy schedule ko.

‘Sandara may konek sa ‘Addiction’ Ko’

Ang Viva International Pictures ang Philippine distributor ng One Step, ang Korean movie na pinagbibidahan ni Sandara Park.

Showing sa May 10 sa cinemas nationwide ang One Step na kahapon ang grand presscon sa isang hotel somewhere in Ortigas Center.

Invited ako sa presscon ng One Step at talagang nagpunta ako para magkakilala kami ni Sandara.

Si Sandara ang nakikita ko na koneksyon para makilala ko ang aking mga favorite Korean actor.

Kita n’yo naman, may-I-greet si Vice Ganda ng happy birthday ng kanyang favorite Korean singer-actor na si Jin Young dahil kilala ito ni Sandara.

Si Sandara ang gumawa ng paraan na mahingan ng video greeting si Jin Young dahil sa kagustuhan niya na mapasaya si Vice Ganda.

Malay natin, baka si Sandara ang maging instrument para ma-meet ko ang mga Korean actor na kinaaaliwan ko. Hindi naman ako nag-iisa dahil pareho kami ni Anne Curtis na nahuhumaling sa mga artista ng South Korea.

 

PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with