Brad Pitt pumiyok na sinira ng droga ang pamilya nila ni Angelina
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 6, 2017 - 12:00am

Nagsalita ang Hollywood actor na si Brad Pitt sa unang pagkakataon tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-wife niyang si Angelina Jolie.

Inamin ni Brad na siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila. Ang dahilan ay ang kanyang heavy drinking at pot smoking.

Sa interview ng 53-year old actor sa GQ Style, itinigil na raw niya ang pag-inom at paggamit ng droga at sumailalim siya sa isang therapy.

Iyon daw ang tanging paraan para pumayag si Angelina na makalapit at makausap nito ang kanilang mga anak.

Naging wake-up call kay Brad na itigil na ang mga bisyo niya ay ang pag-give up na ni Angelina sa kanilang pagsasama noong September 2016.

Bukod sa mga bisyo ni Brad, naging issue din ang uncontrollable temper nito sa harap ng mga anak nila ni Angelina.

Veteran actress in-imagine na lang na ka-dyug ang gwapong male celebrity!

Nangahas palang i-seduce ng isang makating veteran actress ang isang guwapong male celebrity noong nagkasama sila sa isang teleserye.

Kilala ng marami ang veteran actress sa pagiging “hot mama” nito at kapag umiral na ang kakatihan sa katawan, kailangan ay may kumamot nito.

Ang type pa naman ng veteran actress ay mga bagets dahil pampabata raw niya iyon.

Kuwento ng aming source: “Sobra ang kati ng babaeng ‘yan. Talagang mga bagets ang target niya noon.

“Noong story conference pa lang para sa teleserye, gusto na niyang bakuran kaagad ang guwapong male celebrity na fresh na fresh.

“Type raw niyang i-take home kasi ang linis at ang bango. As in namumula na ang mga hasang niya noong araw na iyon.”

Nadismaya lang daw ang veteran actress dahil ang binigay na role sa kanya sa teleserye ay nanay ng pinagnanasaan niyang male celebrity. Kaya nawala ang elya niya sa male celebrity.

“Paano nga naman niya ite-take home, eh magiging nanay siya ng male celebrity,” tawa pa ng aming source.

“Nakakahiya naman na kapag taping ay yayayain niya ang anak-anakan niyang gumawa ng milagro. Kalokah naman iyon, ‘di ba?

“Pero knowing ang veteran actress na ‘yan, gagawa yan ng paraan para makatikim ng fresh na lalake sa teleserye na ginagawa niya. Hindi puwedeng ma-zero siya!”

Ang ending ay hindi raw ang male celebrity ang nai-take home niya noong magsimula sila na mag-taping. Yung gumanap na kaibigan ng male celebrity ang siyang naging biktima ng makating veteran actress.
“Pinagtiyagaan na lang niya ‘yung male starlet kasi mukhang type din daw siya. Mukhang mahilig tumira ng kasing-edad niya. Nahuli daw kasi niyang tinitingnan siya.

“Hayun, naka-jackpot ang bruha! Nakahanap siya ng kasing-kati niya!” natatawang kuwento ng aming source.

“Yun nga lang, inilusyon daw niya na si male celebrity ang kadyug niya para mas ganahan siya!”

Nakaraan ni Alma, pinaalala ng fan

Nairita at nadismaya si Alma Concepcion sa isang nagngangalang Jeffrey Arciaga Moje dahil sa pinost nito sa Facebook page nito.

Nagpakuha raw ito ng picture kasama siya noong bumibili si Alma sa Starbucks bago siya pumasok sa loob ng Smart Araneta Coliseum para manood ng Bb. Pilipinas pageant.

Kung anu-ano raw ang naging post ng naturang taong ito na ikinagalit ng former beauty queen.

Feeling close raw ito sa kanya at pati ang nakaraan ni Alma kung saan nahuli ito na may dalang drugs sa Guam ay inungkat pa.

Kaya nag-post si Alma sa kanyang Facebook para i-call ang attention ng taong ito na nagpapanggap na close niya.

“Guys what do i do with a person like this? Nag pa picture lang sinabi na close na kami? And do i look like a “druggie” like him? My family, friends, skin, weight, lifestyle are enough basis to judge if i live a lifestyle he has. I dont deserve this guys. What do i do with this person?

“Its unfair he is name-dropping me. I have corrected my 1990s mistake n lived a productive life since then. Got double degrees, raised a family peacefully, lived a healthy lifestyle since. If you analyze my lifestyle its far from anything ugly. Kayong nakakakilala sa akin ang magpapatunay,” bahagi ng post ni Alma.

Na-delete na ang photo sa Facebook account ng taong tinutukoy ni Alma. Pero nagawang i-screenshot ito ni Alma at isinama niya ang photo nila sa kanyang post para makita ito ng mga followers niya.

BRAD PITT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with