Ayaw nang mapagkamalang bata, Kris desidido na sa paghuhubad!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 2, 2017 - 12:00am

Marami na ang nag-aabang sa first ever sexy cover ni Kris Bernal sa FHM magazine ngayong buwan ng May.

Ito nga raw ang panggulat ng Kapuso leading lady para sa pagbabago ng kanyang image mula sa pagiging sweet at ngayon ay bold and daring na.

Para rin ito sa malapit nang ipalabas na pagbibidahan niyang teleserye sa GMA-7 na Impostora kunsaan marami siyang sexy na mga eksenang nakunan na.

Sa isang beach sa Zambales kinunan ang mga maalindog na larawan ni Kris para sa FHM.

“This might bring a new challenge for me. This might bring me to different adventures and para rin sa mga tao not to get stuck.

“Marami kasing nagsasabi na ganito na ang age ko, pero mukha pa rin akong bata. I want to change all that. Kailangan gawin ko na ito.

“Kung ‘di ko pa gagawin ito, kelan pa?” diin pa ni Kris.

Pinaghandaan ng 27-year old actress ang naturang pictorial. Dahil kukunan siyang nakasuot ng mga sexy bikinis, naging displinado si Kris sa kanyang mga kinakain.

“It’s a lot of discipline, especially when it comes to food.

“Routine ko kasi sa gym, hindi ako ‘yung losing weight, more on heavy lifting talaga ako. Kasi kailangan palakihin ang arms ko, kailangan magka-muscles ‘yung legs ko.

“Kailangan magmukha akong matangkad sa photos at mukha akong malaman. Marami kasi nagsasabing ang payat ko masyado. Ngayon, mas okey na ang katawan ko.”

Hindi raw ito ang una’t huling pagpapa-sexy ni Kris. Dahil sa mga susunod pa niyang mga photo shoots ay mas daring pa ito sa mga nauna niyang sexy shoots.

Gil malaki ang pasasalamat kay Direk Joyce

Sobra ang pasasalamat ng baguhang Kapuso leading man na si Gil Cuerva sa direktor nila sa My Love From The Star na si Bb. Joyce Bernal.

Dahil acting debut ito sa TV ng model-turned-actor, marami raw siyang natutunan kay Direk Joyce na tinuturing niyang mentor at teacher.

“Ang dami kong natutunan both on and off set kay Direk Joyce.

“She is one of my favorite people in the world. She’s very open, very knowledgeable.

“And, you know, every time I talk to Direk Joyce I learn something.

“She’s a mentor, she’s a teacher. I’m learning what it takes to be a great actor, to succeed in this profession.

“Direk Joyce is a lot of years of wisdom and experience, and she’s able to translate that to what she teaches me, and kung paano kami sa set.

“Again, kung paano siya sa set is really different with how she is as a person. And I have a lot to thank for Direk Joyce.

“You know, the mere fact na she sees a lot of potential in me, and she takes the time to build me and my craft is something I greatly appreciate,” sey pa ni Gil na ang leading lady sa My Love From The Star ay si Jennylyn Mercado.

Rich excited nang ikasal sa rugby player

Hindi malilimutan ng aktres na si Rich Asuncion ang second anniversary nila ng boyfriend niyang si Benj Mudie dahil iyon ang araw na na-engage sila sa isa’t isa.

Maraming netizens ang natuwa sa fiancé ni Rich dahil kahit isang rugby player ito, kitang-kita ang pagiging malambot ng puso nito dahil umiyak ito habang nagpo-propose kay Rich.

Bihira raw kasi sa lalaki ang umamin na hindi ito perpektong tao at magpakita ng kanyang emotions sa harap ng maraming tao. Pero si Benj daw ay genuine ang ipinakitang feelings sa marami at tunay ngang mahal niya ang Kapuso actress.

Dahil sa sinabi ni Benj na “I will do my best” sa kanilang relasyon, sinuklian ito ni Rich ng “I won’t ever change. I’ll continue to love you, and I can’t wait to spend the rest of my life with you.”

Dagdag pa ni Rich: “I love you the first time we met. Imagine, blind date lang ‘yun tapos biglang two years after, ito na kami. Parang sobrang simple lang ‘yung beginning namin.”

 

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with