Daniel Padilla
Daniel nawala sa tono, ginawang background ang mga kandidata sa binibini?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 2, 2017 - 12:00am

Nawili kasi kami sa panonood ng isang Chinese movie, at saka siguro talagang wala kaming hilig diyan sa mga beauty contest, hindi tuloy namin napanood iyong performance ni Daniel Padilla sa Binibining Pilipinas. Pero matindi ang mga negatibong comments na narinig namin, at nakita sa social media pagkatapos noon.

Ang sabi nila, sa tradisyon ng ganyang beauty contests, kinakantahan at parang hinaharana ang mga candidates. Sa kaso daw ni Daniel, basta nag-perform na parang naging background lamang ang mga candidates na nasa likod niya. Ang matindi, sinasabi pa nilang medyo nawala sa tono si Daniel.

Napanood naman namin ang video ng performance na iyon ni Da­niel pagkatapos. Medyo totoo naman ang sinasabi ng mga kritiko. Pero teka muna, isipin din natin. Nagmukhang background ang mga candidates, totoo iyon. Pero kasalanan ba ni Daniel iyon? Kaya nangyari iyon, hindi siya nabigyan ng tamang blocking at instructions. Knowing Daniel, kung nabigyan iyan ng tamang direksiyon, hindi siguro mangyayari ang bagay na iyon.

Medyo off key nga iyong kanta ni Daniel. Iba iyong nawala sa tono, kaysa sa off key. Anyway, alam naman natin na si Daniel ay isang actor, hindi siya singer. Kung pinakakanta man siya, iyon ay kasama na lang ng kanyang pagiging isang actor. Kung ang hinanap nila para riyan ay isang singer talaga, hindi si Daniel ang kanilang kukunin. Obvious na ang gusto nilang mangyari ay magkaroon ng “kaunting kilig” ang number na iyon, na nagawa naman ni Daniel. Kung isang magaling na singer ang pinakanta nila noong The Way You Look Tonight, magiging ganoon ba ang kilig sa number na iyon?

Obvious naman iyon eh. Kung kinukuha si Daniel sa mga ganyang klase ng show, walang inaasahan sa kanya kung di maging cute. Iyon lang iyon. Iyong kiligin ang audience. Basta kinikilig na iyang mga iyan hindi na nila mapapansin na off key siya. In fact iyong ibang kakilala naming nakapanood sa kanya, hindi naman napansin na off key siya. Maliban na lang kung singer, o kaya ay talagang kabisadung-kabisado ang kantang iyon, hindi mo mapapansin na off key siya.

May depekto ang pagkanta niya, pero wala kayong magagawa. Hindi siya naroroon dahil sa kantang iyon. Kailangan niyang buhayin ang au­dience na nagawa naman niya.         

Ina ni Charice may bwelta sa mga ‘nang-aapi’

Kahit na ano ang sabihin ninyo, ang nanay talaga ay nanay. Ngayon ipinagtatanggol ni Raquel Pempengco ang kanyang anak na si Charice laban sa mga nagsasabing laos na iyon. Iyan ay sa kabila ng kanilang pagkakagalit at talakan sa media nang umalis si Charice sa kanila para makisama sa kanyang “girlfriend” noon na si Alyssa Quijano.

Nang humiwalay si Charice sa girlfriend niyang naka-live in, hindi pa rin siya bumalik sa nanay niya at nakatira raw sa bahay ng isa niyang kaibigan. Pero sabi nga namin, ang nanay ay nanay. Ano man ang depekto ng kanyang anak, mahirap niyang tanggapin. Hindi naman siguro masasabing laos, pero wala na ang dating popularidad ni Charice, at siguro nga iyon ang dahilan kung bakit kinansela na ng producer ang kanyang concert na dapat sana ay final show niya, bago siya mamaalam sa  career.

Aktres bangag na bangag sa sex video

Sino iyong female star sa sex video? Hindi maliwanag kasi ganoon ang mukha at naka-sunglasses kasi. Iyon namang partner niyang lalaki, mukhang artista pero hindi naman talaga artista at walang nakakilala sa mga nakakita ng video na iyon. Pareho sila mukhang bangag sa video.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with