Jodi ayaw pakawalan ng dating asawa!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 29, 2017 - 12:00am

Speaking of Jodi, ask ko lang, repeat ask ko lang, Salve A., if true na bagama’t ready na raw ang annulment papers, na dapat pirmahan na lang ng asawang si Pampi Lacson, Jr., para pareho silang maging legally free, kumbaga from each other, hindi pa raw ito pinipirmahan ng huli.

For what reason, ayaw ng aming source mag-elaborate.

Ganunpaman, we heard likewise, na nanatiling maganda ang relasyon nina Jodi at Pampi. The two of them, together with Pampi’s daughter, were present sa katatapos na graduation sa elementary grades ng anak nilang si Thirdy.

Ang hindi rin nga pala matiyak ng aming source if true na separated na nang tuluyan sina Jodi at Ca­vite Vice Governor Jolo Revilla.

Coleen masayang pahihirapan si Kim

Bukod pala sa kasisimula niyang series, Ikaw Lang Ang Iibigin, with Kim Chiu, Gerald Anderson and Jake Cuenca, among others, may sisimulan pang movie si Coleen Garcia, co-starring her with Xian Lim.

Her role, as a triathlete excites her sa ILAI, she said. It happens to be one of her favorite sports at ng kanyang fiancé na si Billy Crawford.

At saka, may pagkakontrabida rin daw ang role niya, since she will make life miserable for Kim, nang malamang hinahabool ito ni Jake na dati niyang boyfriend. “Well, sa series lang, ha.”

It is Coleen’s first time to work with all of her co-stars sa Ikaw Lang Ang Iibign, a production of Dreamscape Entertainment Television, directed by Dan Villegas and Onat Diaz.

Jake pinaghihinalaang hindi naliligo!

Speaking of Jake, is it really kaya his desire to look unkempt these days. Most everything about him look messy. His hair, especially.

Bulong nga tuloy sa amin ng isang fellow entertainment columnist: “Naliligo kaya si Jake?”

Palagay mo, Salve A. (hihihi. Amoyin kop o pag nakita ko. – SVA)

Daniel at Kathryn sa Japan naman nagliliwaliw!

“Exclusive kami” is how Daniel Padilla describes his current relationship with Kathryn Bernardo.

Sina Daniel at Kathryn na may pelikulang Can’t Help Falling In Love, na patok pa rin sa takilya at kumita na ng more than P250-M du­ring its two weeks run, marked their respective birthdays one after the other recently. Kathryn turned 21 noong March 26 habang nag-22 naman si Daniel last April 26.

Kasalukuyang nasa Japan ang magkarelasyon.

While the two agree that one day soon, they need na maipareha naman sa ibang artista, their prayer is “sana, huwag muna.”

And obviously, their prayers have been answered, since may currently sinisimulan silang series, La Luna Sangre, kasama sina John Lloyd Cruz and Angel Locsin.    

JC at Joseph pareho ng kapalaran

When it rains, it pours.

Iyan obviously ang nagaganap sa kasalukuyan kina JC Santos at Joseph Marco, who both play leading men kay Jodi Sta. Maria in the soon-to-be released Star Cinema movie, Dear Other Self.

Both are currently individually busy with TV assignments, si JC with the reality program I Can Do That at si Joseph naman sa series na Wildflower, which Maja Salvador topbills.

Jodi will reportedly start a new series, still untitled kasama naman si Robin Padilla. Huli siyang napanood sa pelikulang The Achy Breaky Hearts, co-starring her with Richard Yap at Ian Veneracion.

 

PAMPI LACSON
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with