Marlon at Pia hindi nawasak!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 29, 2017 - 12:00am

Mukhang panatag na nga ang loob ng car racer na si Marlon Stockinger, kaya nakapag-post na siya sa kanyang social media account ng comment na “nothing has changed”. Noon kasi, marami ang humuhula na baka maapektuhan ang kanilang relas­yon ng dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach oras na malaman na may anak na pala siya.

Noong unang lumabas ang balita, mabilis na nag-deny si Pia dahil siguro nga ay hindi naman niya alam iyon. Ang pagtatanong kay Pia tungkol sa issue ay na­ging dahilan pa para paalisin ang isang TV reporter sa isang affair, pero nang umamin na rin ang model na si Kit Barraquias na totoo iyon, at si Marlon nga ang biological father ng kanyang anak na kambal na babae, wala nang nakapag-deny pa.

Pero kung iisipin, wala namang problema. Hindi naman hinahabol ni Kit si Marlon, at simula’t simula naman pala ay wala siyang hinihinging suporta roon para sa kanyang mga anak. Ibig sabihin, desidido na si Kit na palakihin ang kanyang mga anak nang mag-isa na walang inaasahan mula sa ama ng mga iyon.

Siguro nga may kaunting anghang lang pakinggan iyong sinasabing “may mga anak na ang syota ni Pia”, pero sa panahong ito naman napakarami na ng mga single parents at hindi na rin mas­yadong issue ngayon.

Encantadia nadamay sa Destined… 

May nagtatanong naman sa amin, totoo nga raw ba ang narinig nilang tsismis na tatapusin na rin ang Encantadia kasabay ng serye nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours dahil sa mga kontrobersiyal na pahayag ng writer na si Suzette Doctolero laban sa sikat na love team?

Aywan kung maiuugnay nga iyong sinabi niyang flop ang AlDub doon sa pagkakaalis din ng kanyang show, pero napansin namin naiiba na nga rin ang kuwento ng Encantadia. Una kasi hindi nila inaasahang mabubuntis si Kylie Padilla, kaya nagbago na sila ng kuwento. Mukhang hindi pa naman handa para maging bida si Sanya Lopez dahil baguhan pa lang.

Totoo rin ang sinasabi ng iba na mukhang nag-panic sila kaya kung sinu-sino na ang ipinasok sa show nang mawala si Kylie, at bigla pang tumanggap ng show sa ABS-CBN si Eula Valdez, kaya kailangan na rin nilang tapusin ang kuwento ng character ng aktres. Gumulo ang kuwento, dahil iyong bathalang pinagmulan ng lahat ng kanilang kapangyarihan natalo rin. Saan pa pupunta ang kuwento, kundi the end.

Direk hawak sa leeg ng aktor!

Aywan kung totoo ang tsismis na umiiwas daw si direk na gumawa ng project na kasama ang isang aktor dahil diumano pinagbabawalan siya ng isa pang actor-aktoran na sinasabing karelasyon niya. Ganoon ba katindi ang insecurity ng karelasyon ni direk at ayaw siyang pagawin ng project na para sa iba? Ganoon din ba naman kagaling si direk na basta naidirek niya ang isang artista ay lalong sisikat?

At ganoon din ba talaga ang sitwasyon ni direk ngayon na sunud-sunuran na lang sa aktor na ka-relasyon niya, samantalang napakataray niyang magsalita? O baka natatakot lang siyang maulit na naman ang nangyari noong araw na pinagbabato siya ng pinggan ng aktor na karelasyon niya kaya kinabukasan ay wala silang makainan?

Mahirap din ang buhay ni direk.

 

MARLON STOCKINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with