^

Pang Movies

Vicki at Hayden pakakasal dahil kay Scarlet

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Seselyuhan na nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. ang kanilang pag-iibigan.

Lumabas na ang mga report na magpapakasal ang dalawa sa darating sa September sa Paris.

Malaking factor din ang pagkakaroon nila ng baby na si Scarlet. Lumalaki na rin ang bata kaya matatanong na rin sila.

Ilang taon na rin namang lovers sina Belo at Hayden. Tama lang ang desisyon nilang magpakasal. Tutal naman tatay na tatay ang dating ni Hayden kay Scarlet, huh!

Aktres super galing pelikula ni Iza shocking and disturbing

Confident ang director na si Jerrold Tarog na handa na ang Pinoy audience sa tema ng psycho thriller niyang Bliss. After two years, ngayon lang muli siya gumawa ng full length film, matapos ang box-office at critically acclaimed movie niyang Heneral Luna.

Pagkagulat ang reaksyon niya nang unang big­yan ng X-rating ang Iza Calzado starrer. Mature kasi ang content ng pelikula na hinaluan ng sexual acts, hubaran, malulutong na lengguwahe.

Ayon sa director, “One of the objectives of the film is to present something na hindi pa nagagawa sa local cinema. Shocking and disturbing siya in a way. But I’m confident that the audience is ready,” rason ni direk Jerrold.

Nang magkaroon ng free screening ng pelikula sa UP Cine Adarna, nagpa-survey sila kung ano ang rating na ibibigay nila sa Bliss. Sa 770 na tao, almost 500 ang bumoto sa R-18 habang almost 200 naman sa R-16.

Pero positibo si Direk Tarog na magiging magugustuhan ng manonood ang bago niyang obra.

“I try to push boundaries. As an artist, it’s important to keep challenging myself and the au­dien­ce,” saad pa ng director.

Juday bumalik na sa dating alindog 

Lumarga na sa trabaho si Judy Ann Santos kahapon. Naka-post sa Instagram niya ang video ng pag-welcome sa kanya sa set ng show. Bale sa designs, ito ‘yung dating show ni Juday na mga bata ang maglalaro.

Caption naman ng young superstar sa IG niya, “I’m nerbyos!”

Balik-alindog na kasi ang pigura ni Judy Ann matapos maipanganak ang bunso nila ni Ryan Agoncillo na si Luna. Galing din silang pamilya sa bakasyon sa Amerika kaya naman fully-charged na ang katawan niya.

Bumuhos naman ng pag-welcome sa kanya ng followers niya.

vuukle comment

DR. VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with