Julia, Joshua at Ronnie
Julia pumagitna sa fans nina Joshua at Ronnie
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 25, 2017 - 12:00am

Ang ganda ng gesture na ipinakikita ni Julia Barretto sa social media.

Akalain niyo ba namang pumagitna siya sa ilang nagbabangayang fans nina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Para sa dalaga, hindi raw fair na pag-awayin ang kanyang leading men. Mas marami rin naman kasi ang fans na tanggap na dalawa ang kanyang ka-love team.

Sa kabilang banda, thankful si Julia sa ABS-CBN dahil nagagawa nilang balansehin ang demand ng fans. Dahil nabibigyan sila ng team up ni Joshua sa big screen, samantalang maganda rin ang hatak nila Alonte sa TV series na A Love to Last ng Kapamilya Network.

Long hair talaga si Julia dahil pareho siyang binibigyan ng chance ng kanyang network na magkaroon ng ka-loveteam sa movie at TV screen.

Maaalalang unang nagsama ang tatlo sa pelikulang Vince, Kath, James at doon na nga nagsimula ang fans club JoshLia at ng RonLia.

Samantala, excited na si Julia na paglaruan ang role niya sa pelikulang gagawin nila ni Joshua. Gaganap siya bilang isang babae na obsess sa mga alien. Natuwa rin si Joshua sa kanyang character kung saan sasakyan niya ang mga kaweirduhan ni Julia sa kanilang movie. Excited na rin si Joshua na makatrabaho at matuto sa sikat na direktor na si Antoinette Jadaone.

JULIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with