Yassi Pressman
Yassi biggest blessing ang tingin kay Coco!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 25, 2017 - 12:00am

Masayang-masaya si Yassi Pressman para sa ka­pa­tid niyang si Issa Pressman na ngayon ay ar­tista na rin at kasama sa pelikulang Luck at First Sight na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales under Viva Films showing on May 10.

Ayon kay Yassi, sobrang proud siya for her younger sister.

“Sobrang proud. Isa po ako sa mga nagsasabi sa kanya kahit nun’g hindi pa siya naniniwala sa sarili niya, na sobrang talented niya. Kung hindi pa po n’yo alam, hindi lang sa singing, dancing or acting, painter pa po siya. So pati arts, ang galing na bata,” pagmamalaking sabi ni Yassi nang makapanayam ng press kamakailan.

Isa pang ikinagagalak ni Yassi ngayon ay ang announcement na extended until 2018 ang top-rating primetime series nila ni Coco Martin na FPJ’s Ang Pro­binsyano.

“Overwhelming, ang tagal (pa ng airing), isang malaking-malaking blessing. Gusto naming magpasalamat po sa lahat ng mga bosses namin at siyempre, sa lahat ng mga nanood gabi-gabi at sumusuporta,” she said.

Gaano na sila ka-close ng FPJAP family?

“Solid. As in ang samahan po talaga namin, parang magkakapatid. Sa lahat ng bagay po, kapag take o hindi take, nagtatawanan kami kahit sobrang dramatic na ng mga nangyayari. Masaya po talaga sa set,” she said.

Ang malungkot lang daw na parte ay kung may mawawala sa cast or kaila­ngang mamatay na karakter.

“Mahirap, naku sobrang hirap. Nalulungkot kami lalo na ‘yung Cebu episode namin na ang dami, sabay-sabay (na namatay), ‘yung malaking scene po. Masaya naman kami na matagal din naming nakakasama ‘yung mga nagge-guest.”

Ilang buwan pa lang actually si Yassi sa FPJAP. Pumasok siya late last year bilang Alyana at dahil naging maganda ang chemistry nila ni Coco, nagtuluy-tuloy na ang tambalan nila at sa kwento nga ay girlfriend na siya ni Cardo na karakter ng aktor.

Malaki raw ang nagawa ng FPJAP sa kanyang career at ito ang itinutu­ring niyang pinakamalaking blessing na nangyari sa kanyang buhay and she could only wish na mananatili na ang karakter niya hanggang sa pagtatapos ng serye.

Luis nakantyawan sa video ni Jessy

Ang laki ng mga ngiti ni Luis Manzano nang ipakita ang video ng birthday message sa kanya ng girlfriend na si Jessy Mendiola sa ASAP last Sunday.

Binati si Luis via video message ng mga kaibigan at mahal niya sa buhay at pinakahuling inere ang vid ni Jessy.

“Hi love ko. Gusto ko lang sabihin sayo na happy, happy birthday. Ikaw ang nag-iisang sunshine ng buhay ko dahil kahit sobrang dilim na ng lahat, kahit sobrang lungkot ng paligid, pinapatawa mo ako parati. Mahal na mahal kita,” ang mensahe ni Jessy.

Sigawan din sa studio at panay ang kantyaw kay Luis ng mga co-host.

Nagpasalamat naman si Luis sa lahat ng bumati sa kanyang 36th birthday.

Sarah ayaw idaldal ang pagkakadawit sa Darna!

Hindi masagot ni Sarah Lahbati kung totoo bang siya ang gaganap na role na Valentina sa Darna movie at sey niya, wala raw siyang alam.

“Honestly, I have no idea. Nababasa ko siya on my comments (section sa social media), kung anu-ano nababasa ko but I have no confirmation from my boss, from Viva management,” pahayag ni Sarah.

Pero kung totoo man, of course, aniya ay gusto niya.

“Of course, I would love to play a villain, I would love to play Valentina, yeah. Sana. But you know, if it’s for you, it’s for you. It’s just talks, you know,” pahayag pa niya.

Pamilyar naman daw siya sa karakter ni Valentina dahil naabutan niya ang Darna ni Angel Locsin.

YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with