Gerald Santos may ticket na pa-Miss Saigon
Gerald Santos
Gerald Santos may ticket na pa-Miss Saigon
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 17, 2017 - 6:47pm

Hindi pa rin makapaniwala ang dating grand champion ng Pinoy Pop Superstar ng GMA-7 na si Gerald Santos na makakasama siya sa U.K. tour ng musical na Miss Saigon.

Gagampanan ni Gerald ang role na Thuy, ang anak ng Vietnamese bargirl na si Kim sa American GI na si Chris.

Kasama rin ni Gerald ay ang kapwa Pinoy niya, ang theater actor na si Red Concepcion na gaganap naman bilang si Engineer. Ang gaganap pa rin na Kim ay ang Fil-American theater actress na si Eva Noblezada.

Kinuwento ni Gerald ang proseso kung paano niya nakuha ang role sa Miss Saigon.

“First round of auditions, I was surprised na maganda po ‘yung reaksyon nila agad sa akin.

“’Yung casting director that time sabi niya, ‘It was pretty good. You’re done, Gerald,’ sabi niya. Tapos ‘yun na, nabigyan na ako ng call back slip,” ngiti pa niya.

Ang naging audition piece nga raw ni Gerald ay ang solo ni Thuy sa Miss Saigon na Kim’s Nightmare.

“Yun ang isa sa mga solos ni Thuy. Usually kasi, ang pinang-audition kapag male, Why, God, Why? or ‘yung kanta ni Engineer, American Dream,” sey pa niya.

Noong December 23, 2016 kinumpirma kay Gerald na kasama siya sa Miss Saigon.

“I’m preparing right now. I’m into classical voice lessons.

“Meron na rin po akong ticket to London. I’ll be leaving on May 6,” pagtatapos pa ni Gerald Santos.

Kabilang na si Ge­rald sa maraming Pinoy na napabilang sa cast ng Miss Saigon na nagsimula noong 1989 sa West End London kung saan ang gumanap na original Kim ay si Lea Salonga at alternate niya ay si Monique Wilson.

Jak puro paghuhubad ang ginawa nung Holy Week

Nag-celebrate ang tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto ng kanyang pag-abot sa 300,000 followers sa Instagram sa Boracay noong nakaraang Holy Week.

Parami nang parami ang followers ni Jak, lalo na sa mga bagong pinost niyang mga sexy poses niya sa IG.

Walang photo na hindi nakahubad si Jak noong nakaraang Holy Week. Mula sa pamamasyal, pag-snorkling hanggang sa pag-cliff diving ay naka-display ang mga kinaiinggitan na mga abs ni Jak.

Dahil sa mga abs na ‘yan kaya isa si Jak ngayon sa celebrity endorsers ng isang kilalang fashion brand kung saan kasama niya ang co-star niya sa Meant To Be na si Ivan Dorschner.

Anak ni Madonna ayaw din mag-ahit ng buhok sa kili-kili!

Nagmana talaga sa kanya ang anak ni Queen of Pop Madonna na si Lola Leon.

Kasalukuyang naka-spring break si Lola at namataan ito sa Miami, Florida na suot ang isang sexy ripped shorts with matching blue cropped top, yellow sunglasses and silver hoop earrings.

Marami ang nakaalala na pareho silang magdamit ng ina nitong si Madonna noong nagsisimula pa lang ito bilang isang singer.

Ang 20-year old na si Lola ay wala ring takot na i-display ang kanyang alindog kahit na wala itong make-up at walang ayos ang kanyang buhok.

Isa pang namana ni Lola sa kanyang Mommy Madonna ay ang hindi nagpapa-wax ng buhok sa kili-kili.

Nakunan kasi si Lola na habang nakataas ang mga braso nito at kitang-kita ang makapal na buhok sa kili-kili nito.

Ganito rin kasi noon si Madonna noong nagsisimula pa lang ito.

Naniniwala si Lola na may mga lalakeng naseseksihan sa mga babaeng natural at kabilang na roon ang magkaroon ng buhok sa kili-kili.

Nag-aaral sa University of Michigan si Lola at nalungkot nga raw si Madonna noong umalis na ito for college.

Inamin ni Madonna na sobra siyang na-depress noong umalis si Lola sa bahay nila. Nakaramdam daw siya ng empty nest syndrome.

“My daughter left me and I fell into the deepest depression. I’m always so happy when she calls me and says, ‘Mommy I miss you,’ or ‘Mommy I need you to rub my head.’ I’m like, yes!” pag-amin ni Madonna sa isang interview.

GERALD SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with