^

Pang Movies

Jinggoy pinayagang maki-party sa birthday ni Erap!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jinggoy pinayagang maki-party sa birthday ni Erap!
Jinggoy Estrada

Pinayagan ng Sandiganbayan na ma­ka­dalo si Senator Jinggoy Estrada sa 80th birthday celebration ng ama niyang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ngayong Miyerkules, Abril 19, ang selebrasyon sa isang malaking hotel sa Maynila.

Naglabas ng resolusyon ang korte na mula ala-singko ng hapon hanggang alas-onse lang ng gabi puwedeng manatili ang dating senador. Bawal gumamit ng cellphone at magpa-interview sa media si Sen. Jinggoy.

Siyempre pa, ikatutuwa ni Mayor Erap ang pagdalo ng panganay na anak.

Unlike Jinggoy, hindi pinayagan noon ng Sandiganbayan si Senator Bong Revilla na makadalo sa birthday ng amang si Ramon Revilla, Sr.

Sheena dumayo sa Palawan para ibalandra ang bikini

Sa Palawan naglantad ng kaseksihan ang Kapuso artist na si Sheena Halili suot ang swimwear line niya, ang @justyvesswimwear.

Pinangarap pala ni Sheena na magkaroon ng sari­ling swimwear line. Siya na rin ang magmodelo nito sa pictures sa kanyang Instagram account.

Pramis niya, ipu-post niya ang designs ng line niya ng swimwear. Taping break ni Sheena sa Destined To Be Yours kaya nakapagladlad siya ng katawan sa dagat, huh!

Ryan at mag-iina matatagalan sa Amerika

Extended ang vacation ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. Kasalukuyan siyang nasa Amerika kasama ang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Kainggit-inggit nga ang pictures nilang pamilya sa posts ni Ryan sa IG account niya. Pero siyempre, may mga moment din silang mag-asawa, huh!

Tanging West Coast lang ang nabanggit na lokasyon ni EB host sa post niya. Pero hindi lingid sa kaalaman ng marami na bumili ng bahay si Ryan sa Amerika na pasorpresa niya kay Juday noon.

Maine marunong pa ring mag-mano

Pinapurihan ng fans ni Maine Mendoza ang ginawang pagmamano sa kanyang tatay na nakunan ng picture ng fan niya. Lalo silang humanga sa kanyang idolo dahil hindi pa nakakalimutan ng Phenomenal Star ang pagrespeto sa mga magulang.

Eh ang ilang kabataan ngayon, nakalimutan na ang paraan ng respetong Pinoy sa nakatatanda sa kanila. Ganyan ang experience ng isang celebrity na tuwing makikita ng mga batang kamag-anak, dedma lang.

Hindi na nga marunong magmano, hindi pa marunong bumati. Pagkaupo, hayun at gadgets agad ang atensyon nila, huh! So dedma rin ang celeb sa pagbati sa mga bata!

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with