Beauty parang ‘di na raw kumakain!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 16, 2017 - 12:00am

Lubos ang pasasalamat ni Beauty Gonzales sa ABS-CBN na binigyan siya ng pagkakataon na makabalik sa akting pagkatapos niyang manganak.

Aminado si Beauty na professionally ay hindi maganda ang nangyari sa kanya dahil nabuntis ito habang may serye sila ni Ketchup Eusebio at Jana Agoncillo na Ningning noon.

Naiintindihan ni Beauty kung hindi na siya bigyan ng trabaho ng ABS-CBN.

Pero hindi akalain ni Beauty na makakapagtrabaho pa siya uli sa bakuran ng Kapamilya Network. Super thankful si Beauty sa ABS-CBN at Star Creatives dahil hindi lang siya nakabalik sa trabaho, kundi siya pa ang bida sa bagong serye nitong Pusong Ligaw.

Kaya gustong patunayan ni Beauty na deserve niya ang second chance na ibinigay ng network sa kanyang trabaho. Maraming natuwa sa pagiging humble at classy ni Beauty na swak ang ganda at galing sa pag-arte sa kanyang role.

Inspirasyon si Beauty sa mga kababaihan lalo na sa mga nanay na tulad niya dahil kitang super fit na ngayon ang katawan ng aktres. Sa kanyang Instagram account, walang ibang makikita kundi ang picture ng aktres na puro naka-swimsuit. Hindi rin naman mawawala ang mga hater na nagsasabing sobra-sobra na raw ang pagpapapayat ng aktres, may iba pa ngang nababahala dahil baka hindi na ito kumakain.

Samantala, inaabangan na rin ng lahat ang wedding ni Beauty sa kanyang partner na ama ng kanyang anak, ang art collector na si Norman Crisologo.

BEAUTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with