^

Pang Movies

Tatay ni Jennylyn malaki ang hawig kay Dennis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Dumating na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo galing sa Seoul, South Korea last Friday. Kasama nilang umuwi ang biological father ni Jen na sa Noli Pineda.

Sinundo nina Jen at Dennis si Papa Noli sa Seoul nitong bago mag-Holy Week at para na rin sa ilang araw na bakasyon. Jen’s father is a musician na matagal nang naka-base sa SK.

Gusto ni Jen na dito na sa ating bansa manirahan ang kanyang ama kasama nila ng anak na si Alex Jazz at pumayag naman ito kaya sa wakas ay magkakasama na rin sila matapos ang maraming taon na pagkakahiwalay.

Makikita sa Instagram post nina Jen at Dennis ang bakasyon nila sa South Korea pati na rin ang pagkikita nilang mag-ama.

Sa isang larawan ay makikita si Dennis at Papa Noli na tila nasa isang fastfood restaurant dahil may dala silang tray ng food. Sa caption, Jen wrote, “ang popogi naman nila”.

Ang daming nag-comment na magkamukha raw sina Dennis at Papa Noli.

May post naman si Dennis ng larawan nila ni Jen na magkaakbay habang nasa ilalim ng cherry blossoms at nilagyan naman ng aktor ng caption na “seoul mates”.

Ang daming natuwa sa pagkikita ng mag-ama at puring-puri ng netizens ang gesture ni Jen na kunin ang ama at patirahin na sa kanya.

Ang nakakatuwa ay ang post ni Jen na larawan niya sa isang bus na may larawan ng lead actress ng My Love From the Star na si Jun Ji-hyun. Sa caption ay nakalagay, “nagkita na rin tayo Steffiiiiii!!!!!”

As we all know, ay si Jen ang bida sa Pinoy version ng MLFTS with newbie actor Gil Cuerva. Steffi ang pangalan sa Pinas ng karakter ni Jun Ji-hyun at ‘yun din ang name ng karakter ni Jen.

Speaking of MLFTS, inanunsyo na ng GMA-7 na mapapanood na finally ang highly-anticipated series na ito ngayong Mayo sa GMA Telebabad.

Lotlot tameme ‘pag tungkol kay Nora

Ayaw nang magsalita pa ni Lotlot de Leon tungkol sa tampuhan nila ng inang si Nora Aunor.

“Let’s just leave it at that. Minsan, may mga bagay na kahit gusto mong i-explain, there are no enough words to express how you feel about certain things.

“May mga bagay na you leave it at that moment, and then, hopefully, maging okay siya someday,” pahayag ni Balot (nickname ni Lotlot) sa presscon/screening ng indie (independent) film niyang 1st Sem under Kayan Productions and Team Campy Entertainment.

Huling pagkikita pa raw ng kanilang ina ay last year pa sa burol ng uncle niyang si Eddie Villamayor.

Basta ganu’n na lang daw ang masasabi niya.

Natanong din si Balot kung paano niya pinagaan ang loob ng anak niyang si Janine Gutierrez sa break-up nito with Elmo Magalona.

“Sabi ko, ‘okay lang ‘yan, lilipas din ‘yan’. Ganu’n talaga, eh. Kasi kahit naman ako, magulang ako, nakikita mo ‘yung anak mo, eto ‘yung ginagawa, dito nai-in-love, these are the choices in life that they make, there’s only so much you can do as a parent.

“So, ‘yung sa akin, pangaral. Nasa sa kanila ‘yun kung tatanggapin nila o hindi. And then, sinasamahan ko na lang ng maraming dasal.

“Kasi, eventually, I know that she’s a smart girl, but pagdating naman sa puso, lahat naman tayo minsan, sumasaliwa, eh, ‘di ba? So, naiintindihan ko ‘yun and it was a path that she had to take in order for her to grow as a person. So, okay na rin ‘yun,” pahayag ni Lotlot.

Showing na sa April 26 ang 1st Sem sa mga sinehan nationwide. Mula sa direksyon nina Allan Michael Ybanez at Dexter Paglinawan Hemedez, kasama rin sa movie sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas at Allan Paule.

JENNYLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with