_pang-masa
^

Pang Movies

Bakasyon ni Ate Vi naudlot sa earthquake!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kahit na nga sabihing hindi naman talaga masyadong apektado ang kanyang nasasakupang lugar, kung may taong masyadong concerned sa nangyayaring sunud-sunod na paglindol sa Batangas, siguro nga si Congresswoman Vilma Santos na iyon.

“Siyam na taon akong nanay ng Batangas.

“Sa ngayon ang ginagawa namin ay talagang monito­ring at saka immediate relief. Iyon kasing rehab at mga reconstruction, hindi mo pa magagawa iyan ngayon dahil maya’t maya mayroon pa ring mga nararamdamang after shocks. Iisipin mo na ba na magkakaroon ng mas malakas pang after shock pagkatapos ng naunang lindol? Kagaya nga ng nasabi nila earthquake swarm iyan eh. Natural daw na nangyayari iyan na nagiging sunud-sunod ang lindol.

“Kaya sinasabi ko nga, in as much as we want help doon sa immediate reconstruction at rehab lalo na noong mga historical buildings at mga simbahan baka hindi pa tamang unahin iyon sa ngayon. Natutuwa ako na wala namang masyadong damage sa Lipa, pero hindi mo rin masasabi, kasi nga swarm ang tawag nila riyan sa mga paglindol na iyan,” sabi ng alalang-alalang si Ate Vi.

Ano pa ba ang ibang plano niya?

“Ang talagang plano sana namin una ay magbakasyon, dahil sabay na recess ang house at senado kaya may oras pati si Ralph. Tapos bakasyon din naman si Ryan. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi kami maaaring lumayo sa Batangas dahil sa mga nangyayari,” sabi ni Ate Vi.

Kung ganyan bang bakasyon ang kongreso, hindi ba niya naisip na gumawa ng pelikula?

“Masyadong maikli rin naman ang aming bakasyon. Hindi ka makakatapos ng isang pelikula. At saka inamin ko naman, hindi ko pa kabisado masyado ang trabaho. Kailangan mapag-aralan ko muna nang husto. Kung kabisado ko na iyan, madali lang gumawa ng pelikula,” sabi pa ni Ate Vi.

Sunshine gusto pa uling mag-aral

Isa pang nakausap namin over the weekend ay ang aktres na si Sunshine Cruz, na namomroblema kung saan ang magiging bakasyon nila ng kanyang mga anak dahil lahat daw ng tawagan niyang mga resort ay fully booked na. Pero confident pa rin siya na makakapag-bakasyon pa rin naman sila dahil iyan lang ang pagkakataon na wala siyang trabaho ay may pagkakataong makasama naman niya sa bakasyon ang kanyang mga anak.

“They deserve a good vacation naman. Lahat sila ok ang performance sa school,” kwento ni Sunshine.

Pero si Shine, nagsabing basta may pagkakataon pa siya, nag-iisip pa siyang mag-aral ulit, kahit na naka-graduate na nga siya sa kursong psychology. Marami pa naman kasing maaaring pag-aralan na may kaugnayan din sa kursong natapos niya. Self-improvement iyan.

Pagkawala ni Kuya Germs ramdam hanggang ngayon

May isang talent manager kaming kausap na nagsabi sa amin, talagang ngayon ay nararamdaman na nila na napakalaking kawalan ni Kuya Germs sa industriya ng entertainment sa bansa.

Maraming mga artistang nawalan din ng trabaho nang mawala si Kuya Germs. Noon daw kasi, dahil sa show ni Kuya Germs, nakukuha pa sa mga out of town shows ang karamihan sa mga iyon. Ngayon halos lahat sila ay jobless na. Talagang sayang na masyadong maagang nawala si Kuya Germs.

 

ATE VI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with