^

Pang Movies

Sumuko na kay Gabby, Sharon sa paggawa na lang ng indie magpopokus!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kahapon ay kinumpirma ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook post na tuloy ang paggawa niya ng indie na balak isali sa Cinemalaya Film Festival ngayon tayon.

Ayon pa sa post ni Sharon:

“Relax, everyone. Doing all we can so that we can start and complete my first-ever Cinemalaya entry, ANG PAMILYANG HINDI LUMULUHA, to be directed by award-winning director whom I respect and am looking forward to working with, MES DE GUZMAN. Praying for no setbacks and if none at all, it’s a definite go!”

Noong nakaraang taon pa pinag-usapan iyan, at hindi naman nakagawa ng desisyon agad si Sharon. Kung wala pa raw desisyon at hindi sila makapagsisimula, hindi na aabot sa Cinemalaya ang pelikula. Kailangan umabot iyon sa Cinemalaya, dahil unang-una, papaano sila makakakuha ng subsidy para makagawa ng pelikula? Ikalawa, ano ang katiyakan nila na maipapalabas sa sinehan kahit na limited screening ang kanilang pelikula kung hindi sila kasali sa Cine­malaya?

Siguro nag-isip din si Sharon dahil napakalaking risk para sa kanya ang gumawa ng indie. Hindi na nga tuloy ang team up nila ni Gabby, so kung saka-sakali, iyang indie ang kanyang magiging comeback movie.

Unang tanong, magiging box office hit ba iyan? Siguro hindi dahil indie. Mananalo ba siya ng award diyan? Kung hindi, magagaya lang iyan sa mga pelikulang nagawa na ni Nora Aunor na hindi nakatulong sa kanya para mabawi iyong title niyang Superstar. May Superstar ba namang may mga pelikulang ni hindi maipalabas sa sinehan?

Eh papaano kung ganyan din ang mangyari kay Sharon? Papaano kung straight to video, o straight to cable na lang mailabas ang pelikula niya?

Mahirap ang mag-comeback kung hindi sigurado ang gagawin mong project. Kasi iyang comeback movie, oras na hindi kumita iyan, the end na iyan. Palagay namin wala pa rin naman sa isip ni Sharon ang mag-retiro na sa panahong ito.

Lani magdo-donate na lang kesa mag-birthday

Ok sa amin iyong balitang ayaw na raw mag-celebrate ng kanyang birthday si Lani Mercado, na mayor ngayon ng Bacoor. Iyon daw gagastusin niya sa celebration, ibibigay na lang niya sa mga biktima ng sunog sa kanilang bayan. Isa iyon sa malalaking sunog kamakailan lamang, at itinuturing nilang pinakamalaking disaster sa Bacoor.

Siguro kung ano man iyong gagastusin sana ni Lani sa celebration ay hindi naman napakalaki para masabing matutulungan ang lahat ng nasunugan, pero maaari ring kaysa sa tumanggap siya ng regalo mula sa kanyang mga kaibigan, mag-donate na lang siya para sa mga nasunugan.

Pero ano mang laki ng makuhang pera riyan, hindi pa rin sapat iyan para matulungan ang mahigit na dalawang libong taong biktima ng sunog, pero iyong nga sakripisyo niya na huwag nang mag-birthday para sa kanyang mga nasasakupang biktima ng sunog, iyon ang maganda.

Aktor naispatang may kasamang lalaki sa hotel!

Isang taxi driver na kilala na namin dahil madalas naming nasasakyan ang kanyang taxi ang nagkuwento sa amin na noong isang gabi raw, naging pasahero niya ang isang male star.

Tapos natatawa siyang nagkuwento na isang lalaki rin daw ang kasama noon, at nagpahatid sa kanya sa isang hotel. Binigyan daw siya ng malaking tip at nagbilin na “wala kang nakita ha”. Eh talaga naman daw nakita niya at nakilala niya, lalo na noong bumaba na sa taxi dahil maliwanag naman sa labas. Nagtatanong siya, talaga raw bang alam nang bading ang male star? Hindi po. Itinatago pa po niya hanggang ngayon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with