^

Pang Movies

Janella nami-mental block ‘pag naririnig si Elmo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sobrang impressed ni Janella Salvador nang bigyan siya ng surprise birthday salubong ni Elmo Magalona last March 29, a day before her 19th birthday sa kasunod na araw.

Galing sila sa shooting ng Regal movie nilang A Fairy Tail Love Story sa Zambales. Nagmamadaling umalis si Elmo only to find out na naghanda siya ng konting celebration sa bahay nila.

Isang pares ng Sesame St. slippers na limited edition ang natatanging regalo sa kanya ng ka-loveteam na gamit-gamit niya ngayon sa trabaho. Pero ang isa pang ikinagulat ng Pop Sweetheart ay ang madamdaming post ni Elmo sa Instagram bilang mensahe sa kanya.

“Napaka-sweet niyang tao. Hindi lang halata. Actually, nag-post siya on my birthday. Hindi ko ini-expect na magpo-post siya like that kasi usually, hindi naman siya ganoon. ‘Yung magpo-post ng mahaba,” lahad ni Janella sa interview niya sa ilang press.

Inaalam din daw kasi ni Elmo kung ano ang gusto ng isang tao. Gumagawa siya ng paraan para mabigay niya ito.

“Mahilig siyang magbigay ng gifts pag may okasyon,” saad niya.

Biro ni Janella, pag naririnig niya ang name ni Elmo, nami-mental block daw siya. Eh alam din ng aktor na mahilig siyang kumain, so pag meron siyang nasabing gustong kainin eh, binibili agad ni Mo.

Ano naman ang reaksyon niya pag nakikita niya ang abs ni Elmo? Meron bang pasilip si Mo ng pandesal niya sa movie?

“Meron! Meron!” tugon niya. “Basta merong topless scene!” dagdag ni Janella.

Komo dream come true kay Janella na lumabas bilang sirena, higit siyang natuwa nang makarating sa kanya na isasali sa December 2017 filmfest ang A Fairy Tail Love Story, huh! Bukod dito, tinatapos din nila ni Elmo ang Bloody Crayons at sa susunod na buwan at start na sila ng second telerserye nila.

Albie ayaw pakialaman ang gf na magso-showbiz

Bibida si Albie Casiño sa bagong mystery-thriller web series ng D5Studio na The Complex. For a change, good boy naman siya rito kumpara sa huli niyang horror movie na Pwera Usog na bad boy ang character niya.

Eh, sa panalo ng girlfriend niyang si Michellle Arceo sa Gandang Filipina contest sa TV, hindi maiwasang pasukin na rin ng GF niya ang showbiz. After Andi Eigenmann, ngayon lang naging bukas ang mundo ni Albie sa pakikipagrelasyon.

“It’s her decision. I don’t meddle with her. She can do what she wants. I’m just here to support.

“Proud na proud ako na siya ang girlfriend ko!” rason ni Albie sa pocket interview niya para sa web-serye.

Basta sa lahat ng nangyari sa personal niyang buhay, ang masasabi lang niya eh, “Listen to your parents! Ha! Ha! Ha!”

Sa April 15 mapapanood sa D5S ang The Complex mula sa direksyon ni Prime Cruz na siyang gumawa ng indie movie na Ang Manananggal sa Unit 23B.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with