Ma­rian at Zia
Zia ‘nagpapainterbyu’ na! Marian ‘di na rin feel ang Darna
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

Kumpleto na ang mag-anak na Dingdong, Ma­rian, at Zia Dantes sa una nilang TV commercial para sa isang multinational company na Johnson & Johnson’s. Kahapon, magkakasama silang tatlo sa isang event para sa kumpanya.

Pinagsalita pa si Zia sa microphone at tinanong ng host kung ano ang nararamdaman niya. Sa med­yo hindi pa malinaw na salita pero sinabi niyang happy siya.  Tuwang-tuwa naman ang katabi niyang magulang, huh!

Lumabas na si Zia sa unang endorsements ng mga magulang sa produkto. Sa una, sila ni Yan ang bida at sa pangalawa, ang ama naman niyang si Dong.

Natanong nga si Yan ng GMA News tungkol sa reaksyon niya na puwede pa siyang lumabas na Darna. Tugon niya, “Ibigay na natin ‘yun sa mas bata.”

Sa baby celebrities ngayon, walang dudang bata pa lang eh milyonarya na si Zia, huh!

Incidentally, babalik ang character nina Dong at Marian sa GMA telefantas­ya na Encantadia.

Solenn absent sa binyag ng anak ni Georgina

Showbiz na showbiz din ang binyag ng anak ng model-host-celeb na si Georgina Wilson at husband-foreigner na si Arthur Burnand na makikita sa kanyang Instagram account.

Present sa binyag ni Baby Archie ang friends ni Georgina na sina Isabelle Daza at Anne Curtis, Carla Humphries, at Raymond Guitrrez na slim na ang katawan. Ipinagmalaki nga ni Anne na si Mond ang latest niyang fitness buddy.

Kahit hindi kinarir ang pag-arte, lagi ring nakikita si Georgina sa showbiz functions. Waley nga lang sa binyagan si Solenn Heussaff na malapit din kay Georgina pero isa naman sa mga ninong ang kanyang mister.

Kiray at modelong BF nag-prenup photo shoot na!

Lovers na lovers ang dating nina Kiray Celis at modelong si Kirst Viray sa ginawang pre-nuptial shoots sa isang lugar sa Tagaytay kahapon. English-inspired ang konsepto dahil sa kasuutan nila’t tawag na Lady Kiray at Phantom Kirst.

Mula sa konsepto at direksyon ito ni Fanny Serrano na alagang-alaga ang hair, make up, at pananamit ni Kiray. Feel na feel naman ng komedyana ang poses niya’t yakap kay Kirst, huh!

Si Tita Fanny ang unang dumedipensa sa anak-anakang si Kiray sa tumutuligsa sa pagi­ging malapit kay Kirst kahit na nga marami ang bumabatikos.

Pero kung boyfriend na nga ni Kiray si Kirst, aba, ginagalingan niyang talaga! May na­nalo na sa puso ni Kirst! Eat your heart out, girls!

 

ZIA DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with