Sobra na ang katabaan Donita mapagkakamalang lechon sa pole dancing
Joe Barameda (Pang-masa) - April 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Aliw na aliw kami sa panonood ng Full House Tonight na isang tambalan ang mainstay at may guest pa noong Sabado ng gabi sa GMA. Marami man sila ay may kanya-kanya silang eksena na tumatatak sa manonood.

Nadismaya lang kami kay Donita Rose na napakataba. Hindi na yata na alagaan ni Donita ang figure niya komo isang matured woman na siya.

Kailangan pa rin niyang magpapayat bilang artista gaya ng iba. Mga kung anik-anik na lang role ang makukuha niya kung mananatili siya sa ganoong figure.

Biro mo, pinagpo-pole dancing pa siya na kung mag-iikot siya doon ay para na siyang lilitsunin diba? Kaloka.

MTB swak sa anumang edad

Hindi kami nagtataka kung bakit ang lakas lakas sa ratings ng Kapuso program na Meant To Be.

Mabibilib ka nga naman kina Barbie Forteza at sa apat na leading men nito na sina Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan, na kabagu-bago pa lang sa showbiz eh parating panalo sa ratings.

Kung sabagay, magaling din ang gumawa ng istorya kasi lahat ng henerasyon ay sinakop na nila. Umpisahan natin kay Ms. Gloria Romero. Malaki ang role ni Ms. Gloria dito bilang Lola Madj kaya’t sakop niya ang mga older o mas senior audience.

Sinundan pa nina Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz at Keempee de Leon na patok sa 80’s babies.

Bagong pasok pa nga si Janno Gibbs na nagbalik-GMA para maging ka-love triangle nina Mane at Kimpoy. Kung pasama-samahin mo ang mga fans ng tatlong he­nerasyon na ito plus ang mga millennials pa, eh talagang papatok sa ra­tings ang MTB.

Congrats sa inyong lahat at sana gumawa pa kayo ng madaming programang light at masarap panoorin.                            

DONITA ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with