^

Pang Movies

Juday at ampon may emote sa commercial

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kaiyak naman ang TV commercial ng mag-inang Judy Ann Santos at Yohan para sa isang brand ng tubig. May pahaging kasi ito sa tunay na  relasyon nilang mag-ina.

Matagal din kasing nakatago si Yohan sa publiko. Pinalaki siya ni Juday bilang tunay na anak. Adopted siya ng young superstar bago pa man siya nagkaroon ng Lucho at Luna kay Ryan Agoncillo.

Kaya naman sa TVC nila, may dialog ang bagets na, more or less ganito,“Ma, kung ako ang papipiliin, gusto kong ikaw pa rin ang aking maging ina.”

Sagot naman ni Juday, “Ako rin.”

Sa artista ngayon, ang ilang nag-ampon ng bata para maging tunay nilang anak ay sina Sharon Cuneta, Claudine Barretto at AiAi delas Alas. Siyempre, legal ang adoption nila kaya puwede nilang ilantad ang mga “anak” sa publiko, huh!

Ellen idini-display naman ang pakikipaghalikan sa babae

Lumutang na naman ang pagiging pasaway ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram photos. Matapos ang landian nila ng anak ni President Digong Duterte na si Baste Duterte, babae naman ang inilabas niya kahalikan sa IG niya kahapon.

Totoo ‘yung aacount ng girl na ang username ay @doreenting. Sa IG nito, nandoon din ang pics nila ni Ellen na magkalapat ang mga labi, huh! Caption niya sa kissing scene na ‘yun, “I wish you were a frog so you’d turn into a prince when I kiss you.”

Sa isa niyang post, ang caption niya habang magkayakap sila ni Ellen, “My love-hate relationship.”

Sa IG ni Ellen, ito naman ang caption niya, “Love you forever @doreenting till death do us part.”

Kuha ang pics nila sa Mati, Davao. Sa pics ni Ellen, hayun at wala na naman siyang pakialam ibuyangyang ang kanyang katawan, huh!

Matteo ‘itinatago’ ang ginawa nila ni sarah sa cebu

Maagap talaga ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa pagkalat ng pictures ng mga idolo nang pumunta sa Cebu ang Pop Star Royalty sa 27th birthday ng boyfriend. Wala naman bayolenteng reaksyon sa halip ay botong-boto sila sa aktor.

Maingat naman si Matteo sa pagpu-post ng photos sa IG. Bihira kaming makakita ng pics na magkasama sila ni SG. Kahapon sa IG account ng aktor, mga nakababatang kapatid ang kasama niya sa beach, huh!

At least, si Matteo lang ang boyfriend na tumagal kay Sarah, huh! Faithful kasi, ‘di ba SA?

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with