Sen. De Lima ramdam na rin ang dusa sa init nina Bong at Jinggoy
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 26, 2017 - 12:00am

Mainit na mainit na ang panahon sa Metro Manila pero hindi pa nagdedeklara ng official summer season sa Pilipinas ang PAGASA.

Kung mainit sa loob ng ating mga tahanan, hindi hamak na mas matindi ang init sa detention cells nina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr.

Walang epekto ang mga ceiling fan na nakalagay sa PNP Custodial Center dahil mainit din ang buga ng hangin ng mga bentilador.

Sa June 2017, tatlong taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center sina Papa Jinggoy at Bong. Kahit siguro sanay na sila sa init sa kanilang mga detention cell, nararamdaman pa rin nila ang alinsangan na hatid ng tag-araw.

Paano na si Senator Leila de Lima na hindi sanay sa mainit na kapaligiran dahil first time niya na makulong?

Imposibleng hindi maramdaman ni De Lima ang summer heat dahil halos pareho ang laki ng mga detention cell nila nina Bong at Jinggoy. Mararanasan na rin ni De Lima ang mga nararamdaman na pagdurusa ng mga dating senador na ipinakulong ng Aquino administration na dating kinabibilangan niya.

Kahit ‘pinatay’ na, baguhang si Kate napansin ang ganda

Nagluluksa ang fans ng Encantadia dahil pinatay noong Biyernes ang karakter ni Mira na gina­gam­panan ng newcomer na si Kate Valdez.

Bukod kay Kate, may ibang karakter sa Encantadia na papatayin kaya abangan n’yo na lang ang mga susunod na episode.

Marami ang nagagandahan sa mukha ni Kate at may mga nagsasabi na papasa siya na contestant sa mga beauty pageant.

Wala akong alam tungkol sa personal na buhay ni Kate, maliban sa contract star ito ng GMA Artist Center at big help ang kanyang exposure sa Encantadia para mapansin ng tele­viewers ang beauty niya.

Gabbi selos na selos kay Arra

Gandang-ganda kay Arra San Agustin ang mga reporter na bumisita sa set ng Encantadia noong nakaraang linggo.

Si Arra ang natsitsismis na pinagseselosan ni Gabbi Garcia, ang ex-girlfriend ni Ruru Madrid.

Balitang-balita na hiwalay na sina Gabbi at Ruru pero hindi sila umaamin.

Nang makita sa personal ng mga reporter si Arra, napagtanto nila na may dahilan para magselos si Gabbi.

May mga kuwento na hindi itinatago ni Ruru ang pagkagiliw niya sa co-star na gumaganap na reincarnation ng Amihan character ni Kylie Padilla at hindi ito ikinatutuwa ng kanyang ex-girlfriend.

Balang naka-apat na kay Ellen

Balik-Pilipinas ang child star na si John Philip “Balang” Bughaw na umapir sa Ellen show ni Ellen DeGeneres noong nakaraang linggo.

Ang akala ng mga kababayan natin, matagal nang recor­ded ang 4th guesting ni Balang sa popular television program ni Ellen. Hindi pala dahil kahapon lamang siya bumalik mula sa Los Angeles, California.

Hindi lamang ang mga Pinoy ang pinahahanga ni Balang dahil aliw na aliw din sa kanya ang mga Amerikano at ibang mga lahi na nakapanood sa pagsasayaw niya sa Ellen.

ENCANTADIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with