Ellen nakikipagbakbakan sa anak ng mayor!
Ellen nakikipagbakbakan sa anak ng mayor!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 24, 2017 - 12:00am

Mocha pinarusahan sa panlalait sa radyo?!

May labanan ngayon sina Ellen Adarna at Mocha Uson.

‘Yun nga lang pang-teleserye ang isyu ni Ellen dahil anak ng mayor ng Cebu na si Miguel ang kabangga niya, ito ay kaugnay sa isyu ng umano’y ‘spoiled brats’ ng Cebu na nag-umpisa sa kaso ng road range ng barkada raw ng sexy actress na si David Lim, Jr. na pamangkin naman ng sinasabing drug lord na si Peter Lim.

Sinabi kasi ng mayor ng Cebu si Tommy Osmeña na wala silang sasantuhing spoiled brats matapos ngang hulihin ang nambaril diumano sa isang nurse. “You are nothing special. No matter who you are, whether you are Ayala or Henry Sy, I don’t give a shit. If you commit a crime here, I will run after you. Whether you are David Lim, Peter Lim or David Lim, Jr., it does not matter to me,” ang sabi ng mayor.

Nagpasaring si Ellen sa nasabing pahayag ng mayor. Nag-upload siya ng video na animo’y nagdi-dirty finger pa at ito ang caption niya :  ‘“Hahaha! REALLY REALLY REALLY???? WELL WELL WELL... WHAT DO WE HAVE HERE HAHAHAHAHA Throwback feelings when your “BRAT” shot my kabarkadas digi cam, hung it on her gate and threatened us with a text message “the next time this happens the bullet goes through your head” pag sure tomas oi! Dugay kai tong na headline ug balita. Na trauma mi adto kai kuwang kuwang man diay sad na imong “BRAT”. Samantha Elise Benitez Arden Fernan Justina Tiffany Lapradez Jeanne Marie Montesclaros Pastrano mmmm whatchu say???? We were only teenagers that time ;( Haahahaaha#brats come out and play! #THROWBACK “  bahagi ng sagot ng sexy actress gamit ang lenguahe ng mga Cebuano.

Pero sinagot siya ng anak ng mayor gamit ang Facebook account ng kanyang misis na si Bea. Ang haba. Pero in a nutshell, magkakaklase pala sina Ellen, Samantha at asawa ni Miguel pero nang minsang mag-bar sila ay may nilagay umanong tablet sina Ellen at Samantha sa inumin ni Bea at nawalan ito ng malay. Dinala ni Miguel sa hospital at tatlong oras ang lumipas bago nagising.

Galing umano ng mayamang pamilya si Samantha at imposibleng hindi ito nagreklamo kung totoong binantaan niya.

At hinintay niya pa ang matagal na pa­nahon bago ito nagpa-media.

At sa huli sumagot uli si Ellen.

Inakusahan niya na pina-fabri­cate nito ang katotohanan. May kasama pang tawa si Ellen at aniya ay ‘popcorntime hahaha.’

Yup, daig pa ang kuwento sa tele­serye kung tutuusin. Mga mayayaman ang involve sa kuwento.

Pero dahil walang malaking iskandalo sa showbiz kaya naman nagiging national na issue na rin.

At si Mocha naman ay balitang sinuspen­di na ang radio program sa DZRH dahil sa santambak na reklamo sa ginawa nitong panlalait kay VP Leni Robredo.

Nilait at sinabihan ng iba’t ibang masasamang salita ni Mocha si VP na ikinagalit ng mga nakikinig sa nasabing AM radio station.

Napansin n’yo ba parang mas abala sina Ellen at Mocha sa social media kesa sa kani-kanilang career.

Buti na lang at balitang pareho silang galing sa mayayamang pamilya.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with