Ronnie dinapuan ng malas?!
Vir Gonzales (Associated Press) - March 19, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagbago bigla ang mga hula tungkol sa baguhang si Ronnie Alonte.

Sinasabi kasi dati ng ilan na bagay na bagay si Ronnie kay Julia Barretto pero tila si Joshua Garcia na ang napipisil ngayon ng ABS-CBN para sa dalaga.

Marami raw kasing na-turn off nang lumabas ang balitang si Ronnie ang bagong pag-ibig ni Vice Ganda.

Ayaw pa naman ng fans na nali-link sa bakla ang kanilang idolo kaya malamang na nabawasan ang kanyang fans.

Baka raw dumating sa puntong nag­lalagay na rin ng make up si Ronnie at lumambot na rin ang pagkilos.

Choosy talaga ang fans, ang gusto nila ay ‘yung machong-macho kagaya ni Joshua.

Ito ay kahit parehong sinabi nina Vice at Ronnie na magkaibigan lang sila.

Janice Jurado nagbabalik

Masaya ang dating sexy actress si Janice Jurado na may pinakamalaking boobs noong araw kung saan hindi pa uso ang retoke.

Binigyan siyang muli ng chance sa pelikulang Bubog directed and produced by Ms. Arlyn Dela Cruz.

Naging TV host din noon si Janice at naging bida sa pelikulang Pitong Atsay kasama sina Jean Saburit, Julie Ann Fortich at iba pa.

Kontrabida ang role ni Janice sa pelikulang Bubog na may kinalaman sa droga ang istorya.

Sana magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Janice na leading character noon.

Coney magaling na adviser

Nakakahanga talaga ang child star na si Nayomi “Heart” Ramos na siyang bida sa seryeng My Dear Heart.

Balitang tinatalo nito ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Walang katakut-takot ang bata kung makipag-usap kay Coney Reyes.

Sabi ni Coney, maga­ling ang batang ito na parang si Tessie Agana raw.

Satisfied daw si Coney sa kanyang role dahil makabuluhan bagaman may kaunting yabang.

Sa tunay na buhay ay napakamadasalin talaga ni Coney at nakakahanga siyang magbigay ng payo sa mga may problema sa buhay.                            

 

RONNIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with