^

Aiko hindi binabagayan ng mga sinusuot

YSTAR - Baby E (Associated Press) - March 19, 2017 - 12:00am

Walang dudang sobra talaga ang ibinawas sa timbang ni Aiko Melendez bagama’t ayon sa kanya ay kailangan pa niyang mag-lose ng konting pounds.

Kaya nga, marami ang nakakapunang hindi bagay sa kanya ang karamihan sa mga isinusuot niyang damit sa kanyang ongoing series na Wildflower, co-starring her with Maja Salvador, na siyang gumaganap na bida.

Pero magaling siya sa kanyang role bilang tusong Governor sa said series.

Like Maja, who claims loveless pa rin siya hanggang ngayon, kahit magta-tatlong taon na mula nang maghiwalay sila bilang sweethearts ni Gerald Anderson, wala rin daw amore si Aiko sa kasalukuyan. Nearly a year na rin daw mula nang mag-break sila ng kanyang Persian boyfriend.

But as Aiko said, it’s her choice na huwag munang umibig muli. Type niya raw na mag-concentrate muna sa kanyang showbiz career.

MayMay umeksena sa MYX awards

Naglipana sa katatapos na MYX Music Awards 2017, na ginanap sa Kia Theater, March 16, ang mga baguhang talents ng ABS-CBN.

Obvious na napaka-popular na ang grupong Boyband PH, based sa ingay at palakpakang natanggap nila sa audience, specially ‘yung mga nasa balcony section ng auditorium.

Ang mga gwapong members ng Boyband PH ay sina Tristan Ramirez, Russel Reyes, Ford Valencia, Niel Murillo at Joao Constancia.

The house nearly broke down din, kumbaga, nang dumating ang Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Seven Dream Team champ na si Maymay Entrara kasama si Edward Barbers.

Ang escort naman ng first runner-up na si Kisses Delavin ay si Marco Callo.

The Juans, bagama’t a new singing group, were applauded, as they won the award for favorite group.

Dalawa naman ang nakuhang award ni Darren Espanto,  ang Favorite Artist award at Favorite Male Artist.

Malaki ang pag-asang magiging popular tandem ang baguhang sina Bailey May at Ylona Garcia, na siyang recipient ng MYX Favorite New Artist (female).

Malaki na ang following ng dalawa mula nang iwanan nila ang Bahay Ni Kuya matapos magwakas ang PBB Season Teen.

Yen ‘di nadihado nang pakawalan ni Gerald

Now it can be told na ang original choice para sa leading lady ng ngayon ay kinu-consider na reunion series nina Kim Chiu at Gerald Anderson, the upcoming production of Dreamscape Television Entertainment, headed by Deo Edrinal, na may title na Ikaw Lang Ang Iibigin ay si Yen Santos.

Walang idea si Yen kung bakit biglaan siyang pinalitan ni Kim sa serye. Although, agree rin siya na magandang reunion project nina Kim at Gerald ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

At least, kung tutuusin nga naman, ‘di naman siya maituturing na dehado, considering na sa kanyang soon-to-be released movie na Northern Lights: A Journey To Love, ka-love team niya si Piolo Pascual.

Co-production ng sariling film production ni Piolo na Spring Films at Regal Entertainments ang nasabing pelikula.

Directed by Dondon Santos, nakatakdang ipalabas ito in theaters nationwide simula March 29.

Vice hinawaan lang daw si Awra na maging bakla

Tawa lang ang reaction ni Vice Ganda sa report na ini-influence niya ang choice ng 13 year old na actor na si McNeal “Awra” Briguela na naging isang bakla rin.

For as Awra said: “Bata pa ho ako, alam ko nang isa akong gay. At tanggap ito, lalo ng aking ama.

“Si Ate Vice Ganda po,” patuloy pa ni Aura, “ini-idolo ko siya, bilang tao, bilang kapwa artista.”

Personal…

Birthday today, March 19, ng talent manager at media and advertising lady na si Girlie Rodis.

Many happy returns of the day, GR (her pet name), God bless.

March 19 is also the Feast of St. Joseph, Patron Saint ng mga ama.

AIKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with