Naipong P1 million ni KC sa negosyo napunta sa mga taga-Maguindanao
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 16, 2017 - 12:00am

Bongga naman si KC Concepcion na nasa Rajah Buayan, Maguindanao kahapon para sa feeding prog­ram ng World Food Programme Philippines.

Kasama ni KC ang mga doctor, midwives at nutritionist para magpakain ng mga bata at ma-check up na rin ang kanilang ina. Nakasuot ng “hijab” ang anak ni Sharon Cuneta habang kasalamuha ang mga tao roon.

Hindi na bago ang advocacy na ito ni KC. Ang pabulosa lang eh, nakapag-raise siya ng P1-M mula sa kanyang KC’s Closet na negosyo para sa programang ito ng United Nations.

Atom Araullo inaabangan kung makaaarte

Wala nang urungan pa ang pagsabak ng news reporter na si Atom Araullo sa pag-arte. Ngayon ang akyat niya ng Baguio para sa principal photography ng Mike de Leon movie na Citizen Jake kung saan siya ang lead actor.

May despedida eklat nga ang manager niyang si Noel Ferrer kahapon. May mga junk good talaga sa picture ng newbie actor sa Instagram account ng manager.

Bukod sa main film, may gagawin ding documentary si Atom habang ginagawa ang movie.

Eh artistahin naman ang dating ni Atom, huh! ‘Yun na lang acting niya ang aabangan ng manonood sa kanya.

After ng Citizen Jake, ang alam namin sa magiging swan song ni Director Mike sa pagdidirek, si Congressman Vilma Santos-Recto ang gusto niyang maging bida.

Paolo ibang mga bata ang kasama nung birthday

Unang sinelebreyt ni Paolo Contis ang kanyang advance birthday kasama ang mga bata sa Boy’s Town. Eh, nami-miss din kasi niya ang dalawang anak kay Lian Paz kaya sa pamamagi­tan ng mga kasamang bata eh para na rin niyang kasama ang dalawang anak na nasa Cebu City.

Last March 14 ang birthday ng Kapuso actor at siyempre, ang girlfriend na si LJ Reyes ang isa sa bumati sa kanya sa pamamagitan ng Instagram account niya.

“There’s one thing I found rare with you. Spontaneity. It’s not perfect. We are not perfect. God only knows where to direct. Where to head next. But let’s consume this hour at its best! We are so blessed!”

Sagot naman ni Paolo, “Thank you, love! Thank you for everything. May God bless us more this year.”

Wish pa rin ni Paolo na pumunta sa Cebu upang makapiling ang dalawang anak.

#INTRIGA PA MORE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with