Sharon at Gabby movie, tinanggihan na rin ni Goma!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 14, 2017 - 12:00am

Bakit nga ba hindi pa sabihin nang diretsahan o ilabas na ang desisyon kung matutuloy pa ba ang pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion o hindi na?

Marami ang naghihintay sa pelikulang iyan, at marami rin naman ang mga usapang pabulong kung sabihin kung bakit nade-delay ang pelikula. Diretsuhin na natin, kumakalat ang tsismis na mataas daw ang hinihinging ta­lent fee ni Gabby. Eh kung kikita naman sila ng isandaang milyon sa loob ng apat na araw kagaya ng sinasabi nila sa lahat halos ng peli­kula nila, ano nga ba ang problema?

Aminin natin, hindi si Gabby ang kanilang first choice na itambal kay Sharon, kaya nga noong una sinasabi nila na may gagawin pa si­lang survey. Lumulutang noon ang pangalan ni Richard Gomez, pero hindi na puwede dahil masyado na ngang busy si Mayor.

Ano ba talaga, matutuloy ba iyan o hindi? Matatapos na naman ang Marso, noong Disyembre pa sinabi iyan. Papaano nila maipapalabas iyan sa Mayo kagaya ng naunang sinabi?

Cesar kulang sa payo?!

Hindi na kami nagulat sa balitang nagsampa ng reklamo laban kay Cesar Montano ang mga kasama niya sa Tourism Promotions Board. Noon pa kasi namin naririnig iyang unrest na iyan sa kanilang ahensiya. Noon pa mang una ay may akusasyon na sila ng “nepotism” dahil sa kanyang pagkakapuwesto sa kanyang tanggapan ng kanyang kapatid, at ilang kaibigan.

Pero inisip nga namin, nangyayari naman iyon sa iba pa ring go­vern­­ment offices, kasi iyang mga opisyal naman, mas gusto nilang ma­katrabaho iyong mga taong gamay na nilang kasama. Isa pa, naisip na­ming baka noong gawin niya iyon ay “may timbre” naman siya sa mga mas nakakataas na opisyal ng kanilang departamento at pinayagan siya.

Doon sa akusasyong pumasok siya sa iba pang negosyo at nag-sponsor pati ng concerts, kabilang na ang US Tour ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre), hindi natin alam iyan. Pero siguro naniniwala siya na sa mga concert na iyon ay maisisingit din niya ang “tourism promotions”. Kung papaano, hindi natin alam. Pero naniniwala pa rin kami na dapat napayuhan siya sa mga bagay na iyon ng kanyang mga legal consultants at kanyang chief of staff.  

Tandaan ninyo, walang nagdemanda laban kay Cesar kagaya sa nababalita sa iba. May mga em­pleyado lamang siyang nagreklamo sa Malacañang at humihiling na imbestigahan ang nangyayari sa kanilang ahensiya. Depende naman iyan kung ano ang magiging attitude ng Malacañang. Si Cesar ay ini-appoint mismo ni Presidente Digong sa puwes­tong iyan.

Pero sinasabi nga nilang kung talagang may mali, may mangyayari. Kung natatandaan ninyo, pinagbitiw naman sa tungkulin ni Presidente Digong ang mga nai-appoint niyang nasangkot sa mga ganyang klase ng usapan. Hintayin muna natin ang magiging sagot ni Cesar diyan.

Kagaya ng sinabi sa post ng kanyang anak na si Diego Loyzaga, “the truth will prevail”.

(Itinanggi na ni Cesar ang mga lumabas na paratang na inireklamo ng mga tauhan ng Tourism Promotions Board. – SVA)

 

SHARON AT GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with