^

Pang Movies

Shaina, Carlo, Jc, at Denise maghaharap-harap na

Pang-masa

MANILA, Philippines -   Mas titindi pa ang mga kaganapan sa Kapamilya serye na The Better Half dahil mangyayari na ang paghaharap na pinakahihintay ng lahat sa pagtatagpo ng mga landas ng orihinal na mag-asawang sina Marco (Carlo Aquino) at Camille (Shaina Magdayao), pati na rin ng mga bago nilang asawang sina Bianca (Denise Laurel) at Rafael (JC De Vera) ngayong Biyernes (Mar 10).

Sa pag-aakalang maayos na ang lahat, mistulang babangon mula sa hukay ang nakaraan sa pagku-krus ng landas nina Camille at Marco, na siya namang muling magdudugtong sa kanilang mga buhay at panibagong pamilya.

Anong gagawin ni Camille kapag nalaman nitong buhay pa si Marco? Ano kaya ang maidudulot nito sa kasalukuyang pagsasama nila ng kanilang mga asawa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang tunay na better half?

Samantala, iparamdam ang pagmamahal at suporta sa The Better Half at gamitin ang official hashtag ng palabas na #TBHSalpukan.

Panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

vuukle comment

THE BETTER HALF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with