^

Gabby ayaw lang talagang makasama si Sharon?!

Vir Gonzales (Pang-masa) - March 7, 2017 - 12:37am

MANILA, Philippines - Nakakaintriga naman ang patuloy na bulung-bulungan narinig namin galing mismo sa mga tagahanga regarding sa masyadong mataas na presyo ni Gabby Concepcion sa dapat sana ay balik-tambalan nila ni Sharon Cuneta under Star Cinema.

Bakit daw ganoon, kung kailan planado na ang lahat ay saka naman humirit ang kampo ng aktor ng dagdag na talent fee.

May nagtatanong tuloy, ang pagpapataas daw kaya ng TF ay nangangahulugang ayaw lang gawin ng actor ang movie?

It’s unfair naman kung totoo ito. Kaytagal nga namang hinintay at todo papayat pa si Sharon.

Sana raw ay wala itong katotohanan.  mabuti nga raw at may Star Cinema na game sugalan ang balik tambalan nila.

Coney magaling magpatulo ng luha

Mahirap talagang kalabanin ang mga teleserye ‘pag may batang involved.

Tulad na lang ni Nayomi Ramos na bida sa My Dear Heart ng Kapamilya network na balitang tinalo ang seryeng pinagtatambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours.

Napakaingay pa naman ng tambalang AlDub kaya parang nakakadismayang matatalbugan pa sila ng bata.

Malaki ang progreso sa acting ni Zanjoe Marudo na gumaganap na tatay ni Nayomi sa My Dear Heart.

Mahusay din ang pagganap ni Coney Reyes na galit na galit sa alibughang anak na kumampi sa mga kalaban niya. Mahirap ang eksenang tumulo ang kanyang luha pagkaraang layasan siya ng anak. Bihira lang mapanood si Coney pero markado naman ito.

Sana ay ma-maintain nila ang impact ng kanilang istorya.

Jose Mari mamimigay ng CD

Birthday ng pamosong singer na si Jose Mari Chan sa March 11. Mamimigay daw siya ng CD sa isang pakontes na sponsored ng DWWW 774 para sa mga senior citizen.

Napakabait daw ni Jose Mari na nananatiling nakatuntong sa lupa ang mga paa kahit sobrang sikat na.

Kaibigan niya ang pamosong broadcaster ng DWWW 774 na si Fred Murphy Davis.

Maraming napapaligaya ang naturang programa nina Fred at Joel Gorospe. Naaaliw nila ang mga senior citizen lalo na ‘yung mga naiiwanan ng mga anak na nangibang bansa na. Namimigay din sila ng premyong radio para sa mga mananalo sa pakontes nila.

Sylvia malalim ang hugot

May nagkwento sa amin na kaya pala bigay todo ang acting ni Sylvia Sanchez sa seryeng The Greatest Love ay dahil may pinaghuhugutan siyang kalungkutan sa buhay.

Palagi raw iniisip ni Sylvia ang talent manager niya na kamakailan ay yumao, si Tita Angge.

Isa ang aktres sa tumutulong kay Angge noong nakaratay ito sa karamdaman. Hindi pa rin akalain ni Sylvia na iniwan pala siya ng nanay-nanayan niya.

                                               

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with